Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot binurdahan ng 50 saksak

081214 Stab dead

UMABOT sa 50 saksak sa katawan ng isang hindi nakikilalang lalaki at itinapon sa kalsada ang bangkay kahapon ng madaling-araw sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo, nakita sa footage ng CCTV ng Brgy. 428, Zone 43, District 4, Sta. Mesa, Maynila ang isang pampasaherong jeep na dahan-dahang tumatakbo sa panulukan ng Algeria St., Sta. Mesa.

Pagtapat sa bahay na may numerong 1966 at 1967 ay itinapon ng tatlong hindi nakilalang lalaki ang bangkay ng biktima.

Sinabi ni Vallejo, tukoy na ang may-ari ng pampasaherong jeep ngunit hindi muna magbibigay ng iba pang detalye habang isinasagawa ang follow-up operation laban sa mga suspek.

Aniya, mukhang galit na galit ang mga suspek dahil tinadtad nila ng saksak ang katawan ng biktima.

“Tadtad ng saksak ‘yung leeg pati yung mga braso, sunod-sunod at tabi-tabi yung saksak, klaseng galit na galit ‘yung mga suspek,” dagdag pa ni Vallejo.

(LEONARD BASILIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …