ni Roldan Castro
KUNG hindi mo kilalang mabait si Katrina Halili, mapipika ka sa attitude niya sa story conference ng Child House.
Sa totoo lang, lumayo na lang ako sa mesa na ininterbyu siya ng press at nagsigarilyo sa labas dahil sa stress sa kanya. Maraming reporters ang naloloka sa kanya dahil daldal ng daldal tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Kris Lawrence tapos nagagalit siya. Ipinapa-edit ang sinasabi niya.
Dapat siguro mag-seminar si Katrina kay Jodi Sta. Maria na napakarespeto at napakagaling umiwas ‘pag personal life ang tinatanong sa kanya.
Sey ng sexy actress, patapos na ang kontrata niya sa GMA Artist Center pero makikipag-meeting daw siya kung ano ang balak nila sa kanya dahil may iba raw siyang plano kung walang ilalatag sa kanya.
Na-realize niya na gusto pa raw niya magtrabaho at hindi ‘yung maghintay na lang kung ano ang project na ibigay sa kanya.
“Siyempre, para sa anak ko at na-realized ko na mahal ko ang trabaho ko,” deklara niya.
Itinanggi rin niya na dahil sa pagpapaigsi niya ng buhok ay may kinalaman sa hiwalayan nila ni Kris.
“Hindi naman po. Basta gusto ko lang ng pagbabago ngayon. Gusto ko ng bagong look. Basta bagong phase ito ng buhay ko na gusto ko nang mag-work. Mas aggressive na,” sambit pa niya.
Friends naman daw sila ni Kris at araw-araw ay dumadalaw pa rin ito sa anak nila.
“Nandiyan naman ang suporta niya sa anak namin,” bulalas ni Katrina.
Magsisimula na siya sa pelikulang Child House na ididirehe ni Louie Ignacio under BG Productions ni Baby Go. Tampok din sina Miggs Cuaderno, Therese Malvar, Vince Magbanua, Mona Louise Ray, Felixia Crysten Dizon na nagpakitang gilas sa pelikulang Magkakabaung/TheCoffin Maker at ang Ilongga child star na si Erika Yu. Nandiyan din sina Nadine Samote, Sheena Halili, Dion Ignacio, Pekto at marami pang iba.
APAT NA TALENTADO MAGPAPAKITANG-GILAS NGAYONG SABADO
UUPO bilang talents scouts ngayong Sabado sina Rommel Padilla, Arnell Ignacio and Ruffa Gutierrez sa Talentadong Pinoy.
Samantala, apat na talentado ang maglalaban-laban. Una na rito si Charlie Lumanta also known as Daniel P. Ang kanyang panggagaya raw kay Daniel ay nagpapatunay na hanga s’ya sa galing nito.
Makikipagtagisan din ng talent si Jerson Gutierrez ng Novaliches also known as ‘Jerson The Great Balancer’ na bata pa lamang ay tinuruan na ng kanyang ama na magtanghal bilang acrobatics. Ang talentadong Pinoy naman ng Las Pinas City na si Fritzie Magpoc ay magpapagilas ng kanyang talent sa pagkanta.
Hindi rin magpapahuli si Julius Oberon na maski may kapansanan ay ipakikita ang galing sa pagsayaw kasama ng dance partner na si Rochelle Canoy sa isang dance showdown bilang “BMG Wheelchair Dancesport”.
ASAWA NI ISABEL & STARLET VIVA HOT BABES, ‘COMPLICATED COUPLE’ SA AMAZING RACE PHILS?
HINDI ba big deal kay Isabel Granada na supposed to be ay tatawaging ‘Complicated Couple’ ang mister niyang si Geryk Genaskey at isang starlet ng Viva Hot Babes kung natuloy sila sa Amazing Race Phils.? Wala bang komplikasyon sa kanya?
“A, tinawag ba silang ‘Complicated Couple’?,” reaction lang ni Isabel.
“Hindi ko alam, eh! Hindi ko kasi alam na ganoon ang teaser sa kanila (sa presscon). Hindi rin kami nagkausap tungkol diyan kasi nga busy rin ako abroad. And then, pagbalik ko, hayun nag-guest na ako sa ‘The Ryzza Mae Show’, sa events ng endorsement ko. Next week naman nasa ‘Showtime’ ako.
“I don’t know, bago natatapos ang taon, lagi akong nagkakaroon ng malaking project which is a good thing (‘yung pag-endorse niya ng isang product ng car),” pag-iwas niya sa isyu.
“Maraming blessings na dumarating and as far as I know, I’m very happy naman, wala naman akong inirereklamo,” sey niya.
Sabi nila ‘pag bongga ang career, may kulang din sa lovelife? Sa palagay niya may kulang ba?
“Wala naman,” tumatawa niyang sagot.
“He’s very busy with his political side,” aniya pa.
Wala namang balak si Isabel na pumasok sa politics pero ‘yung support sa asawa niya ay ibibigay daw niya.
“Ano ba naman ‘yung support, ‘di ba? Moral support. Hindi naman ‘yan dapat ipinagkakait sa isang tao na mayos namang nagtatrabaho. Gaya sa career ko, hindi naman niya ako pinigilan na mag-showbiz, so I don’t see any reason para pigilan din siya,” bulalas ni Isabel.
Tsuk!
SINENG PAMBANSA HORROR PLUS FILMFEST, MAGSISIMULA NA
KOMPARA last year, apat lang ang kalahok sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival na magsisimula sa October 29 until November 4 sa SM Cinema at Waltermart.
Pero mas maganda ito para matutukan ang apat na kalahok gaya ng T’yanak with Peque Gallaga and Lore Reyes, Hukluban, ni Direk Gil Portes, Bacao, ni Direk Edgardo Vinarao, at Sigaw sa Hatinggabi ni Direk Romy Suzara.
Supposed to be ay darating si Judy Ann Santos sa presscon ng Sineng Pambansa pero ayon kay Direk Gallaga, nagpa-confine na raw si Juday sa ospital dahil sa sakit. Nabalitaan namin na may sipon, ubo, at lagnat ang young superstar.
Sey ni Direk Lore, plinano pa nga raw nila na magdala ng ‘tyanak’puppet sa presscon para sa gustong magpa-selfie kay Juday pero sayang na nagpa-admit ito sa ospital. First time rin makatrabaho nina Direk Peque at Lore si Juday.
Thirty years ago ay super hit ang pelikulang T’yanak, sa tingin ba ni Direk Peque ay mauulit ngayon at maghi-hit sa generation ngayon?
Wala raw silang idea kahit kung magkano ang kinita ng movie nila noong araw dahil wala silang bonus. Nagtawanan pa dahil itinago umano ni Mother Lily Monteverde kung magkano ang kinita.
Ang individual gala premieres ng pelikula ay sa October 20 sa SM Megamall ang Bacao, October 21 sa SM North Edsa ang Hukluban. Ang T’yanak naman ay sa October 22 sa SM Megamall at sa October 23 SM North Edsa ang Sigaw ng Hatinggabi.
Talbog!