IPINATITIGIL na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang baggage quota system sa mga porter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Dahil sa baggage quota system, mistulang nag-aagawan at nag-uunahan ang mga porter sa NAIA upang makaabot sa 45 bagahe na quota kada araw kundi’y magmumulta sila ng P1,000.
Ayon kay Asst. General Manager for Operations Ricardo Medalla ng MIAA, inatasan niya ang manager sa apat na paliparan ng NAIA upang ipatigil sa may hawak ng airport porterage operations, ang pagpapatupad ng nasabing sistema.
P466 kada araw lang ang sahod ng porter na kulang pang pambayad sa multa sakaling ‘di maka-quota.