Thursday , December 26 2024

6 reporters, doktor abswelto sa libel

 

IBINASURA ng Navotas Prosecutor’s Office ang kasong libelo na isinampa ng isang barangay kagawad laban sa anim reporters at isang doktor ayon sa inilabas na desisyon kamakalawa.

Sa desisyon ni Fiscal Jennie C. Garcia na inaprubahan ni fiscal Lemuel B. Nobleza, OIC ng Malabon-Navotas City Prosecutor’s Office, walang sapat na basehan ang kasong libelo laban sa anim reporters at isang doktor kaya’t ibinasura ito.

Nag-ugat ang libel case nang lumabas sa mga pahayagan ang insidenteng kinasangkutan ni Brgy. Kagawad Danilo Trinidad na inireklamo ni Dr. Henry Tinio, nakatalaga sa San Roque Health Center, ng grave threat at unjust vexation makaraan magsisigaw, magbanta at manakot ang kagawad nang hindi mapagbigyan ang pagpapatuli ng isang batang lalaki sa ginanap na Operation Libreng Tuli noong nakalipas na Mayo 21, 2014 sa Brgy. Sipac Almacen ng nasabing lungsod.

Magugunitang sinampahan ng kasong libel ang mga reporter na sina Beth Samson at Jun Paclibar ng Police Files Tonite; Cherk Almadin ng Abante; Rey Galupo ng Phil. Star; Orly Barcala ng Balita; Rommel Sales ng Hataw Diyaryo ng Bayan, gayondin si Dr. Tinio dahil sa sinasabing mapanirang artikulong nasulat laban kay Trinidad.

Itinanggi ito ng mga manunulat at idiniing ibinase nila ang balita sa ulat sa pulisya (spot report) tungkol sa insidenteng kinasangkutan ng kagawad laban sa doktor.

Base sa naging desisyon ng korte, “Wherefore, premises considered, The Undersigned respectfully recommends the filing of information for Grave Threats and Unjust Vexation against respondent Danilo Trinidad. Bail not necessary unless required by the court. The complaints for Perjury and LIBEL are recommended DISMISSED.”

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *