Friday , December 27 2024

VFA ibasura nang tuluyan!

00 Bulabugin jerry yap jsyMEDYO nabura lang nang konti sa alaala ng mga Pinoy ang ginawang pamamaslang at pagwawala ni ex-US Army Jason Aguilar Ivler, isang Fil-Am na US Army – pero muli na namang naaalala ng sambayanan dahil sa pagpaslang ni US Marine Pcf. Joseph Scott Pemberton, ng New Bedford, Massachusetts , kay Jennifer Laude a.k.a. Jeffrey, nitong Sabado sa Olongapo City.

Si Jason, isang sundalong Fil-Am ay maaalala natin na sinampahan ng kasong Homicide nang barilin niya dahil sa traffic altercation ang anak ni presidential chief of staff undersecretary Renato Ebarle, Sr., na si Renato, Jr.

Kinasuhan na rin si Pemberton. Pero ang kustodiya sa kanya ay nanatili sa Embahada ng Estados Unidos.

At ‘yan ay dahil protektado ng pamahalaang Amerikano ang kanilang mga mamamayan na nasa labas ng kanilang bansa, gaano man kabrutal ang ginawa nilang pang-aagrabyado, pang-aabuso ar pamamaslang sa isang lokal na mamamayan ng isang bansa kung saan sila naroroon.

Lalo na sa ating bansa na mayroong ipinatutupad na Visiting Forces Agreement (VFA).

Sa ilalim ng VFA, sinasabing tinutulungan ng USA ang mga sundalong Pinoy sa pagsasanay kung paano popretektahan ang bansa laban sa mga mapanakop na dayuhang pwersa sa mga hanggahan nito.

Pero, sa karanasan, hindi ang sinasabing mapanakop na pwersang dayuhan ang nakakayang tapatan ng mga sundalong Kano, kundi ang mga maliliit nating kababayan na kanilang inaabuso sa iba’t ibang paraan.

Aminin man sa hindi ng pamahalaan, ang VFA ay hindi nakatutulong sa ating mga Pinoy lalo na kung proteksiyon sa ating kapakanan ang pinag-uusapan.

Malinaw na ang VFA ay sa iisang panig lamang nakapagsisilbi o nakapagbibigay ng pabor pero tiyak na hindi tayo ‘yun.

Sa ganang atin, kung hindi nakapagsisilbi ang VFA sa kapakanan nating mga Pinoy, mas mabuti pang tanggalin na ang kasunduang ‘yan at ipaglaban natin ang katarungan para sa mga biktima ng mga mapang-abusong sundalong Kano!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *