GINAWARAN ni Pangulong Benigno Aquino III ng “Award of Coast Guard Search and Rescue Medal and Ribbon” ang asong Labrador na si Bosh bunsod ng pagtulong sa paghahanap ng mga biktima ng naganap na lindol sa Bohol. Ginanap ang parangal sa aso sa pagdiriwang ng ika-113 anibersaryo ng Philippine Coast Guard. (JACK BURGOS)
TIKOM ang bibig ng Palasyo sa agenda ng secret meeting nina Pangulong Benigno Aquino III at Vice President Jejomar Binay nitong Martes ng gabi.
“Ang pag-uusap ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ay hindi tumukoy sa mga opisyal na usapin,” matipid na sagot ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. hinggil sa kontrobersiyal na secret meeting ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.
Idinahilan ni Coloma na normal sa matagal nang magkaibigan, gaya ng Pangulo at Binay, na madalas na mag-ugnayan nang personal.
Kamakalawa ay isiniwalat ng tagapagsalita ni Binay na si Cavite Gov. Jonvic Remulla na nagkaroon ng heart to heart talk ang dalawa sa Palasyo, ilang oras makaraan batikusin ni Binay ang Pangulo sa 5th MCLE (Mandatory Continuing Legal Education) Accredited National Convention of Public Attorneys sa Manila Hotel hinggil sa aniya’y hindi patas na pagtrato kay dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo at implementasyon ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
(ROSE NOVENARIO)