NAKOMPISKA ng Task Force Tugis at HPG-SOD ang tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon sa isang kotse sa Agoncillo St., Malate, Maynila. Arestado sa operasyon ang driver ng kotse na si Sheila Somar. (ALEX MENDOZA)
TINATAYANG P15 milyon halaga ng shabu ang nakompiska mula sa isang kotse ng pinagsanib na pwersa ng Task Force Tugis at Highway Patrol Group sa Malate, Maynila.
Nagmamatyag sa bahagi ng Agoncillo St., ang mga pulis kaugnay ng natanggap na tip tungkol sa mga iskalawag na pulis na nangha-hijack ng sasakyan, nang mapansin ang isang kahina-hinalang kotse dakong 11:45 p.m. Miyerkoles ng gabi.
Ininspeksyon nila ito at tumambad sa kanila ang tatlong kilo ng shabu na nakasilid sa plastic sa loob ng isang bag.
Sakay ng kotse ang babaeng kinilalang si Sheila Somar.
Ngunit itinanggi ni Somar na may kinalaman siya sa operasyon ng illegal na droga. Aniya, hindi siya marunong mag-drive ngunit nakuhaan siya ng driver’s license.
Inaalam pa ng pulisya kung may koneksyon sa mga iskalawag na pulis ang pagkasabat sa shabu.