Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michelle, nagbida lang, nagpaka-daring na

101714 michelle madrigal

00 SHOWBIZ ms mSEXY, morena, at maganda. Mga katangiang hinahanap ni Direk Edgardo “Boy” Vinarao na magbibida para sa kanyang pelikulang Bacao, isa sa entry sa Sineng Pambansa National Film Festial 2014 na ipalalabas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Tamang-tama sa mga katangiang ito ni Michelle Madrigal na gaganap bilang isang babaeng napakaganda at kaakit-akit na lumaki sa isang baryo.

Ito ang kauna-unahang pagbibida ni Michelle after 10 years ng pamamalagi niya sa showbiz. Ngayon lamang siya nabigyan ng ganitong break at sadyang napakaganda ng istorya ng Bacao mula sa isang napakahusay na director. Sabi nga ng marami, tailor-made para kay Michelle ang karakter na gagampanan niya na gustong magka-anak at magkaroon ng malaking pamilya pero hindi natupad gayung wala silang problemang mag-asawa.

“Kinabahan po ako noong una pero magaling na director si Direk Boy at inalalayan niya ako sa maraming eksena,” sabi ni Michelle ukol sa pagbibida niya.

Sa Bacao ay medyo may pagka-sexy at maraming daring scene rito si Michelle, pero iginiit niyang bago tinanggap ang proyektong ito’y makailang beses muna niyang pinag-isipan at binasa ang script.

“Noong sinabi nila na medyo sexy nga itong movie, tinanong ko siyempre agad kay direk kung gaano ka-sexy. Kasi, kahit before pa may mga offer na sa akin na mag-sexy. Pero siyempre, ako naman gusto ko mas ipakita ‘yung versatility ko as an actress.

“Ayoko namang gumawa ng ganoon na mag-bold tapos end na ng career ko. Sayang naman ang 10 years ko na binuno rito sa showbiz specially ngayon na nag-aaral pa ako. Parang hindi ako makakakuha ng trabaho kasi baka sabihin nila, ‘ay bold star ‘yan’. Hindi pwede ‘di ba?” mahabang paliwanag ni Michella at iginiit na wala namang nakitang maselang bahagi sa kanyang katawan.

Ani Michelle, kung may frontal mang may nakita sa kanya, malayo ang shot niyon at puro gilid-gilid lang ang nakita sa apat na beses na lovescene nila ni Arnold Reyes, ang gumaganap na asawa niya sa pelikula.

Sinabi pa ni Michelle na isang suspense/thriller ang pelikula at ang lovescene na ginawa nila ay kasama at kailangan sa istorya.

May rape scene rin ang aktres dito dahil pinagsamantalahan siya ng albularyong si Leo Martinez at kumpare nito sa pelikula.

Sa kabilang banda, pinuri naman ang pagiging propesyonal at galing sa pag-arte ni Michelle ng kanilang director.

“Magaling siyang artista. May lalim ang akting. Wala akong problema dahil madali siyang makasunod sa mga instruction ko. Higit sa lahat, professional si Michelle at wala akong naging problema sa kanya. Maaga pa nasa set na ito at memoryado na ang linya,” ani Direk Vinarao.

Ang Bacao ay mula sa Oro de Siete Productions na mapapanood sa piling SM Cinemas. Magsisimula itong mapanood sa October 29.
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …