INILIPAT na sa Maynila ang nahuling Koreano na isa sa most wanted persons sa South Korea, natimbog sa Cebu nitong nakaraang linggo.
Bitbit ng International Operations Division ng National Bureau of Investigation (NBI) si Jung Bon Young na dumating sa NAIA Terminal 3 dakong 6 a.m. kahapon.
Sinabi ni NBI-International Operations Division Chief Atty. Daniel Daganzo, pinal na ang deportasyon at extradition ng Koreano na wanted sa kanilang bansa.
Mismong ang Deputy Minister on Justice ng South Korea ang personal na pumunta sa NBI noong 2012 para hilingin ang pag-aresto kay Young, nabatid na nagtatago sa Filipinas.
Nahuli ang Koreano nitong Miyerkoles sa isang casino sa Lahug, Cebu at inaasikaso na ang kanyang travel documents.
Ang NBI ang maghahatid kay Young sa South Korea sa susunod na linggo para i-turn-over sa kanilang counterpart sa naturang bansa.
(LEONARD BASILIO)