POSIBLENG maging kontrobersiyal ang next movie ni Diana Zubiri. Pinamagatang Daluyong (Storm Surge), makakatambal niya si Allen Dizon. Ito’y tungkol sa isang pari na may anak sa kanyang girlfriend.
Gaganap si Allen, bilang pari at si Diana naman ang kanyang ka-sintahan. Makikita rito ang iba’t ibang buhay, pananampa-lataya at kahinaan ng mga pari. Paring nagkaanak at may karelasyon, paring mahilig uminom ng alak at NPA supporter, “healing priest” na pinagdududahan ang kapangyarihang gumamot, paring napagbintangang nakapatay, at bishop na may pinagdaraanan.
Iba’t ibang kahinaan na pinagdaranan din ng kahit na ordinaryong tao, pero sa huli ay ipakikita ang tagumpay ng kanilang pana-nampalataya sa Diyos.
Dahil kilala si Diana na sumasabak sa pagpapa-sexy, inu-sisa siya ng mga taga-entertainment media sa ginawang story conference ng Daluyong kung gaano siya ka-game sa pagpapa-sexy dito.
Matapang naman ang na-ging sagot ng aktres. “Kung ano po siguro ang nasa script, puwede naman po lahat, kung ano ang kailangan.”
Wala kang limitasyon dito?
“Wala naman po, basta gaya ng sabi ko, ipapalabas nila (sa movie), huwag nilang ika-cut (ang mga sexy scenes),” nakangiting saad pa ni Diana.
Ano ang masasabi niya na makakatrabaho niya rito si Allen na isang Best Actor?
“Sana maging magaling din ako rito sa pelikula, kagayan ni Allen sa mga previous niya na nagawa, sana ay magtulungan kami.”
Nang usisain pa si Diana kung nagkaroon na ba ng instance na nagka-crush siya sa isang pari, natawa kami sa kanyang sinabi.
“Hindi po, kasi, lahat halos ng mga kakilala kong pari ay parang matatanda na e. So, hindi pa naman po, wala pa.
“Kapag may nakita akong bagets, titignan ko nga,” nakatawang biro pa niya.
Bukod kina Diana at Allen, ang Daluyong ay tatampukan din nina Eddie Garcia, Tirso Cruz III, Ricky Davao, at Chanda Romero. Ito’y mula sa BG Productions at pamamahalaan ni Direk Mel Chionglo, mula sa panulat ni Ricky Lee.
ni Nonie V. Nicasio