ni Ronnie Carrasco III
MALIIT na sektor lang kung tutuusin ang industriya ng showbiz sa kabuuang populasyon ng mga bumoboto tuwing eleksiyon, yet a minor component of this marginal sector—ang entertainment press—often gets invited sa sinumang kumakandidato sa anumang pambansang puwesto.
Dahil si VP Jojo Binay ang pambato ng opisisyon sa pagkapangulo sa 2016, this early we expect a huge meet-the-showbiz press sa kanyang time table lalo’t ang mga napipisil ng kanyang partido to be his running mate also has showbiz connections: Congressman Manny Pacquiao, Senator Jinggoy Estrada o ang business tycoon na si Manny V. Pangilinan (although itinanggi na ng huli ang planong pagpasok sa politika).
By then, nasa political limbo na kaya ang sunod-sunod na alingasngas na kinasasangkutan ni Binay: mula sa parking building na ipinatayo sa ilalim ng termino ng kanyang mayor-son na si Jun-jun hanggang sa ekta-ektaryang lupain ng kanyang angkan sa Rosario, Batangas?
Will all these alleged anomalies have simmered by then, o mapatutunayan sa isinasagawang imbestigasyon that after all, those allegations are true?
If so, mahihirapan kahit ang bayarang miyembro ng showbiz press to paint a spotless, guiltless Binay on a canvass.