Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Villar sinuportahan ng Filipino artists sa habitat protection

101614 villar LPPCHEA

SINUPORTAHAN ng Filipino artists si Senadora Cynthia Villar na bahagi rin ng Villar SIPAG Foundation sa kanyang adbokasiyang pangangalaga at pagpapanatili ng Las Piñas-Parañaque Critical habitat at Eco Tourism Area (LPPCHEA) na isa rin bird sanctuary sa Metro Manila at wetland sa buong mundo.

Ang concert na idinaos sa LPPCHEA, pinangunahan ni rock and roll artist Lou Bonnevie kasapi ng Earth Day Jam Foundation ay nagtagal mula 4:00 p.m. hanggang 8:00 p.m.

Bago ang concert, isang clean-up drive at tree planting activity ang isinakatuparan na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR).

Nagtanim ng kanya-kanyang punla ang mga Filipino artist sa pangunguna ni Bonnevie at Villar, mga miyembro iba’t ibang grupo at samahan gayon din ang mga dumalo at nanood ng concert.

Bukod kay Bonnevie, nagtangahl sa concert ang ilang miyembro ng sikat na bandang Alamid at True faith bilang pagsuporta sa Inang kalikasan at paalala sa lahat ng kalahagahan ng kapaligiran.

Ani Bonevie kung ang tao ang naglagay ng basura sa karagatan at nagwawasak ng kalikasan, tao rin ang dapat maglinis at mangalaga nito.

Laking pasasalamat ni Villar sa grupo ng mga artista dahil sa kabila ng kanilang katanyagan at kasikatan ay mayroon silang oras at adbokasya na pangalagaan at ingatan ang ating kapaligiran.

Ani Villar ang ipinakitang suporta ng mga artistang Pinoy ay patunay na hindi lamang taga-Las Piñas at Parañaque ang nangangalaga ng LPPCHEA kundi ang lahat ng mga taong nagmamahal sa Inang kalikasan.

Dahil dito muling hinimok ni Villar ang mga mamamayan ng Filipinas at lahat ng Filipino na bumisita sa LPPCHEA at suportahan ang kanilang cleanup drive at tree planting nang sa ganoon ay hindi lamang kalikasan ang kanilang mabibigyan ng proteksiyin kundi maging ang bawat ibon na naninirahan dito at maging ang lahat ng mga mamamayan ng Las Piñas, Parañaque at Cavite na maaaring maapektohan nang sobra-sobrang pagbaha sakaling tuluyang mawala ang habitat protection.

Sa bisa ng Presidential Proclamation No 1412 ay ideneklarang protected area ang 175 ektaraya ng LPPCHEA na matatagpuan sa Manila Bay.

Kabilang ito sa Ramsar bilang isa sa pinakamahalagang wetland na katulad ng Puerto Princesa Subterrnean River and National Park, Tubbataha Reefs National Marine Park, Agusan Marsh Wildlife Sanctuary, Naguan Lake national Park at Olango Island Wildlife Sanctuary sa Cebu. (NIÑO ACLAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …