CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kontrobersiya ang isang dating mayor ng Misamis Oriental makaraan akusahan ng pagmolestiya sa isang Sangguniang Kabataan (SK) federation president sa loob ng videoke bar sa Brgy. Carmen sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Inihayag ng ama ng hindi muna pinangalanang kolehiyalang biktima, mismong siya ang nakakita sa kuhang CCTV camera sa loob ng bar kung paano “binaboy” ng suspek at dalawa pang kawani ng pamahalaang probinsyal ng lalawigan, ang kanyang anak.
Inihayag niyang ang may-ari ng bar mismo ang tumukoy sa mga suspek na kasama ng kolehiyala sa drinking session sa loob ng exclusive room.
Kinilala ng bar owner ang mga sangkot na si dating Lagonglong Mayor Intot Puertas, at sina Fernando Dy at Boboy Sabal, kasalukuyang nagtatrabaho sa pamahalaang probinsyal ng lalawigan. (HNT)