Wednesday , December 25 2024

Sabwatang pakana umiiral laban kay Binay?

00 firing line robert roque

NANINIWALA ang United Nationalist Alliance (UNA) na may masusing plinanong sabwatan upang wasakin si Vice President Jejomar Binay at ang tsansa niyang tumakbo sa pinakamataas na puwesto ng bansa sa 2016.

Ibinunyag ng opisyal ng UNA na si JV Bautista ang planong “Oplan Stop Nognog in 2016” na ang tinutukoy umanong “Nognog” ay si Binay dahil sa kulay ng balat nito.

Kabilang sa sinabi ni Bautista na sangkot sa plano ay ang mga senador na sina Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes, dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado at kasama rin ang abogadong si Antonio Bondal, na nagsampa ng kasong plunder o pandarambong laban kay Binay at sa kanyang anak na si Makati Mayor Junjun Binay sa Ombudsman.

Dinudurog ng naturang mga personalidad, na pawang miyembro ng Nacionalista Party (NP), ang reputasyon ni Binay sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee sa “overpriced” umanong konstruksyon ng Makati City Hall parking building.

Iginiit din ni Bautista na ang helicopter na ginamit para kuhanan ng larawan at video ang malawak na 350-ektaryang lupain sa Batangas na iniuugnay kay Binay ay pag-aari nina Buddy Zamora at Eric Gutierrez.

Si Zamora ay financier umano ng isang mataas na opisyal ng Liberal Party at pinagkakatiwalaang miyembro ng Gabinete ni President Aquino, samantalang si Gutierrez ay kasosyo sa negosyong minahan ng isa pang kasapi ng LP, si Representative Edgar Erice.

Tinawag ni Bautista na sinungaling si Mercado dahil sa pagsasabi nito na siya ang kumuha ng mga larawan at video sa lupain sa Batangas na binansagang “Hacienda Binay” dahil hindi raw kasama ang dating bise alkalde sa tatlong pasahero ng helicopter. Ang isa sa mga pasahero, ayon kay Bautista, ay graphic artist ni Cayetano.

Ipinakita na sa atin ng mga pagdinig sa Senado kaugnay ng Makati parking building ang pagsasanib-puwersa ng mga miyembro ng NP tungo sa iisang hangarin, at kung hanggang saan aabot ang ating mga pulitiko para durugin ang kalaban.

Pero may mas malaking pakana ba sa likod ng lahat ng ito na tulad ng sinasabi ni Bautista? May maipakikita ba siyang mahalagang ebidensya na magpapatunay na may binuong sabwatan para pabagsakin si Binay?

Sa palagay ng iba, ang mga rebelasyon na nagmumula sa kampo ni Binay ay mga pagtatangka lamang para protektahan siya sa mga pag-atake na nangyari sa imbestigasyon ng Senado.

Hindi ako sumasang-ayon sa mga pagdinig ng subcommittee kung saan natin nakita ang mga senador na nagtatangkang ibato ang lahat nang puwede nilang ibato, pati na ang lababo sa kusina kung pupuwede, sa isang malakas na kalaban sa pulitika sa 2016.

Gayunman, nililiwanag ko na hindi ko ipinagtatanggol ang Bise Presidente. Dapat magsampa ng kaso sa korte laban kay Binay kung sapat ang ebidensya. Hayaan siyang magdusa sa kahihinatnan kapag napatunayang nagkasala siya.

Pero mali na husgahan siya sa pamamagitan ng media at mga balita upang makakuha ng simpatiya mula sa publiko, para sa hangaring wasakin ang pangangampanya niya para pangulo.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

 

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *