PINAHINTULUAN ng korte ang hiling na makapagpiyansa ng 17 pulis na akusado sa Maguindanao massacre.
Sa omnibus order ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes, ikinatwiran niyang mahina ang mga testimonya at document evidences laban sa 17 miyembro ng 1508th Provincial Mobile Group.
Halagang P200,000 ang inirekomendang piyansa ni Reyes.
Ngunit dahil 58 counts ng murder ang kinahaharap ng bawat isang akusado, kailangang magbayad ng tig-P11.6 milyon ng 17 pulis para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Magugunitang Nobyembre 23, 2009 nang maganap ang tinaguriang Maguindanao massacre na ikinamatay ng 58 katao kabilang ang 32 mamamahayag.
Ang Pamilya Ampatuan ang itinuturong utak ng krimen.