Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

US Marine sa transgender slay kinilala na

101514 transgender us navy

KINILALA na ng US Marine ang itinuturong suspek sa pagpatay sa isang transgender sa Olongapo City.

Nitong Linggo natagpuang patay si Jeffrey Laude alyas Jennifer, 26, sa Celzone Hotel makaraan mag-check-in sa room number 1 kasama ang isang dayuhang sundalo.

Kinilala ni acting Olongapo City Police Director, Sr. Supt. Pedrito Delos Reyes ang suspek na si US Marine Private 1st Class Joseph Scott Pemberton, batay na rin sa pakikipag-ugnayan sa Naval Criminal Investigative Service.

Nakadestino si Pemberton sa US Marine Corps 2nd Battalion, 9th Marines sa Camp Lejeune, North Carolina.

Ang suspek ay kinilala rin ng testigo na si Mark Clarence Gelviro.

Inihahanda na ng Olongapo City Police ang kasong murder na isasampa laban sa suspek.

Samantala, tiniyak ng US Embassy, nakasakay pa rin sa USS Peleliu ang suspek habang patuloy ang imbestigasyon ng joint Naval Criminal Investigative Service at ng PNP.

“The United States will continue to fully cooperate with Philippine law enforcement authorities in every aspect of the investigation.”

(RAUL SUSCANO)

Giit sa US Embassy
SUSPEK NA KANO PASUKUIN — LGBT GROUP

IGINIIT ng grupo ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) sa US Embassy na pasukuin ang suspek sa pagpaslang sa isang transgender sa Olongapo City.

Ayon kay Corky Hope Maranan, spokesperson ng Kapederasyon, kinokondena nila ang krimen at nananawagan silang arestuhin ang suspek at isuko sa mga awtoridad ng Filipinas.

Aniya, hindi sapat na i-lockdown lamang ang mga barko ng US sa bansa.

Ipinababasura rin ng Kapederasyon ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Filipinas at Amerika.

“‘Yun nga po ang ikinakalungkot namin kapwa nating Filipino ‘yung pinatay sa sarili nating bayan ng isang dayuhan. At sinasabi nila itong VFA daw, itong EDCA ay isang pagkakasunduan ng magkakaibigang bansa, mayro’n bang kaibigan na magkakanlong ng isang kriminal na pumatay ng iyong mga kababayan dito sa Filipinas?”

Giit ni Maranan, mas matindi ang epekto ng insidenteng ito kaysa Subic rape case ng Amerikanong si Daniel Smith sa Filipina na si Suzette Nicolas dahil may halong homophobia at diskriminasyon ang isyu.

“Ironic” anya ito dahil kung anong tindi ng paglaban ng US sa LGBT rights, hindi man lang nito maipatupad ang sarili nitong batas sa mga tauhan.

Sa ilalim ng VFA, bagama’t Filipinas pa rin ang hahawak ng hurisdiksyon sa kaso, ang Amerika ang may kustodiya sa suspek.

KUSTODIYA SA US MARINE IHIHIRIT NG PH

HIHILINGIN ng Filipinas sa Amerika na mailipat ang kustodiya sa US Marine na suspek sa pagpaslang sa isang transgender sa Olongapo.

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang Naval Criminal Investigative Service (NCIS), ang insidente habang nakadetine sa US ship ang suspek na si Private 1st Class Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Charles Jose, oras na masampahan ng kaso ang US Marine, susubukan ng Filipinas na makuha ang kustodiya sa suspek.

US SERVICEMEN I-BAN SA BARS

IKOKONSIDERA ng Malacañang ang panukalang ipagbawal sa US servicemen ang pagpunta sa bars o night clubs o tinatawag na R&R (rest and relaxation), pagkatapos ng kanilang misyon sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …