MARAMI ang natutuwa at s’yempre nagtataka rin sa biglang paglilinis na ginawa sa Quricada St., sa Sta. Cruz at sa Plaza Miranda sa Quiapo.
Pero sabi nga, ang overall impact niyan ‘e maginhawa para sa lahat. Sa commuters, sa pedestrians, sa parishioners at maging sa mga motorista.
Kamakalawa, nawala na ‘yung mga nakahambalang na medical equipments sa Quiricada St., malapit sa Avenida Rizal.
Ginagawa kasi ng mga tindahan ng medical equipments sa Quiricada pati ‘yun bangketa ay sinasakop nila para lagyan ng mga display nila. Hindi lang Quiricada ‘yan pati sa Bambang St., ganyan ang ginagawa ng mga tindahan ng medical equipments.
Kahapon naman, maraming regular churchgoers ang nagulat nang makitang napakaluwag ng harapan ng Plaza Miranda … kumbaga talagang kakaiba ‘yan sa pakiramdam nila. Walang vendor at walang naka-park na mga sasakyan.
Pinangunahan mismo ni S/Insp. Rommel Anicete ang paglilinis sa Plaza Miranda.
Sana, araw-araw nang ganyan sa area of responsibility (AOR) mo Kapitan Anicete.
Pero kung magagawi pa rin kayo sa Gandara St., ay grabe, wala ka nang malakaran na bangketa dahil sa mga upholstery shop na ginagamit ang bangketa sa paggawa ng lona. Pati kalsada ay kabi-kabila ang parking (double parking).
Kung hindi tayo nagkakamali ‘e nasa kanto lang ang Gandara PCP sa ilalim ng Manila Police District Meisic Station (PS 11), hindi ba nila kayang linisin ‘yang Gandara mismo?!
Mayroon bang ‘parating’ ang mga tindahan na ‘yan sa Gandara PCP!?
Chief Insp. Luis Guisic, hihintayin mo pa bang utusan ka ni MPD director. C/Supt. Rolando Nana, Jr., para linisin ang Gandara?!
Aba umaksiyon ka na agad!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com