ni James Ty III
NATUWA ang Bb. Pilipinas Universe 2014 na si MJ Lastimosa nang nalaman niya ang balitang tuloy na ang Miss Universe 2015 sa Miami, Florida.
Gagawin ang Miss Universe sa Enero 25, 2015, oras sa Pilipinas at ipalalabas ito via satellite sa ABS-CBN.
Inamin ni MJ na naiinip na siya sa pagde-delay ng Miss Universe kaya nang nalaman niya na may petsa na at venue ay nagsabi siyang paghahandaan ito ng mabuti kahit late na ang anunsiyo.
“I thought nga na hindi nga matutuloy kasi may problema sa venue,” sabi ni MJ nang nagkita kami sa lobby ng Araneta Coliseum habang nanood siya ng laro ng UAAP basketball. ”At least, sigurado na sa Miami. I hope to do my best.”
Malaki ang responsibilidad ni MJ na itayo ang bandera ng Pilipinas sa Miss U pagkatapos ng magandang ipinakita ng mga dating kasali tulad nina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon, at Ariella Arida.