MAY nagsasabi na parang huli na para maghubad sa big screen si Michelle Madrigal. Sana ginawa raw ito ng actress noong mga panahong pinag-uusapan pa ang kanyang career.
Pero para kay Michelle, hindi na issue sa kanya kung ngayon lang siya nag-decide na mag-bare.
Sino raw ba ang tatanggi sa isang indie film na de-kalidad tulad ng pinagbibidahan niya ngayon na idinirek ni Edgardo “Boy” Vinarao na ang katambal ay kilalang Indie actor na si Arnold Reyes.
Base sa kuwentong nakarating sa amin, ilang beses raw nag-hello ang malulusog na boobs ni Michelle sa bed scene nila ni Arnold. Pero nagpakita man ng katawan ay naniniwala ang actress, na hindi lang ang paghuhubad niya ang mapapansin sa pelikula kundi ang kanyang acting na itinodo raw niya sa solo movie na malapit na raw ipalabas.
Kabilang din ito isang festival sa bansa. Super good luck na lang gyud!
ni Peter Ledesma