Friday , November 22 2024

Mayor Duterte: “Iron man with a soft heart”

00 Kalampag percyNATATARANTA na ang kampo ni Vice President Jejomar Binay sa pagdepensa sa sunud-sunod na pagsambulat ng kanyang kayamanan at katiwalian.

Pumapabor ang kinakaharap na krisis ni Binay, hindi lang kay Interior Secretary Mar Roxas, kundi sa “reluctant presidential aspirant” na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Kamakalawa ay opisyal nang iniarangkada ang signature campaign para sa Mayor Rody Duterte for President Movement.

Ang tulad ni Duterte na ginagamit lang ang “kamay na bakal” sa mga kriminal at tiwali, ang klase ng lider na matagal nang hinahanap ng mga Pilipino na mamuno sa bansa.

Pruweba sa kanyang maayos na liderato ang pag-unlad ng Davao City at pamumuhay nang tahimik ng mga residente ng lungsod.

Pero hindi hayok sa karangalan si Duterte, ‘di tulad ng ibang opisyal ng gobyerno na nagbabayad pa sa survey firm para palabasin na po-pular sa taong bayan.

Sa katunayan ay tumanggi si Duterte na ma-ging nominado sa 2014 World Mayor Award dahil hindi siya tumatanggap ng ano mang parangal sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang alkalde.

Kung lahat ng opisyal ng pamahalaan ay tulad niya na itinuturing na responsibilidad ang serbisyo-publiko at hindi utang na loob ng publiko sa kanila, baka dumating ang araw na mawalan na ng trabaho ang Ombudsman at mabuwag na ang Sandiganbayan.

Matagal nang inaasam ng lahat na magkaroon ng pinuno na tunay na magsisilbi sa interes ng sambayanang Pilipino, kinatatakutan ng mga kri-minal at puwedeng ipagmalaki sa buong mundo na namumuhay nang payak dahil hindi nagna-nakaw sa kaban ng bayan.

ILABAS SI GERRY LIMLINGAN

MAGSASALITA na naman daw sa publiko si VP Jejomar Binay at maglalantad ng mga dokumento para pabulaanan ang mga alegasyon ng katiwalian laban sa kanya.

Hindi kaya mas bibiliban siya ng publiko kung ihahatid niya sa susunod na pagdinig sa Senado ang pinaghahanap na kaibigan niyang si Gerry Limlingan, na umanoy bagman at dummy niya?

Iyan naman ay kung hindi pa “pinasundo” si Limlingan, gaya ng dalawa pang BFF ni Binay na sina Lito Glean at Nelson Morales!

PIERCING SHOTS . . .

AGIMAT NI BONG, EXPIRED NA – Umapela sa Sandiganbayan ang kampo ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. para ipatigil ang paglilipat sa kanya ng kulungan bunsod ng mga insidente ng riot sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

May expiration pala ang agimat ni Nardong Kupit!

***

BJMP NCR CHIEF, SIBAKIN – Basehan ng abogado ni Revilla ang testimonya ni Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) chief Romeo Vio na nagsabing mataas daw ang posibilidad na maulit ang mga riot sa Bicutan dahil sa “congestion, lack of personnel and the presence of high profile detainees such as the Abu Sayyaf and the Ampatuans.”

Maliwanag, hindi nagagampanan ni Vio ang kanyang trabaho kaya dapat na siyang sipain sa puwesto!

***

SAKIT NG MANDARAMBONG – May “mild cervical spondylosis, commonly known as arthritis of the neck”, daw si Sen. Jinggoy Estrada na katulad ng karamdamang taglay ni dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo.

Karaniwang sakit na dumarapo sa mandarambong!

***

NAGSASANAY SA PAGTAKBO – Pina-ngunahan ni VP Binay ang fun run kasabay ng ika-100 anibersaryo ng Boys Kawat, este, Boy Scout of the Philippines (BSP) noong Linggo.

Dalawang klaseng pagtakbo kasi ang posibleng mangyari – ang tumakbo siyang pangulo sa 2016, o takbuhan na lang ang kanyang mga kaso!

***

AN’YARE SA LOTE NG BSP – Matatandaan na pinag-aawayan nina noo’y Mayor Jojo Binay at dating Bulcan Gov. Obet Pagdanganan ang maanomalyang bentahan sa property ng BSP sa kanto ng Ayala-Buendia, Makati noong dekada ’90.

Dapat imbestigahan kung magkano, paano at kanino naibenta ang property o kung legal ba ang transaksiyon!

***

SANGKATUTAK NA EBIDENSIYA VS BINAY – Organisado raw ang paninira laban kay VP Jejomar Binay, ayon sa kanyang mga taga-tahol.

Maniniwala na sana tayo eh, kaya lang ay sangkatutak ang ebidensiya!

***

KAIBAHAN NG PANINIRA SA KATOTOHANAN – Ang bintang ay hindi totoo kung walang basehan o ebidensiya kaya hindi alam ng mga bayarang aso ni Binay ang kahulugan ng salitang paninira.

Santisima!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *