ni Alex Brosas
NASULAT ang umano’y pang-iismid ni Julia Barretto sa kanyang amang si Dennis Padilla.
Ang chika, insimiran ni Julia ang kanyang father nang makita niya ito sa burol ng madir ni Raymart Santiago.
Nang lumabas ang chismis, ang daming nagalit kay Julia, panay bash ang natanggap ng young actress. Hindi makapaniwala ang marami sa social media na capable siyang ismiran ang kanyang ama.
“Like ko sya noon lalo sa mirabella kya Lang ng lumabas Ang balita tungkol sa tatay nya. WALA na. Hindi ko na sya like. Kahit halimbawa pang hindi naging mabuting Ama si Dennis Padilla. Tatay nya parin yon. Dapat nyang erespito.”
“Dt like n like q xa. . Ky lang nung ngyr s tatay nya wl n i hate her. .mkatatay aq lalo n kht dq tatay bst nk2ta q n ns2ktn ns2ktn n dn aq ky. . .nga impocble n mbait yan kc dugo nla.dti hate q c claudn dhl s mga ngyr pero dhl s mga ngyayari ms2vi q ms ok c claudn kysa ky marjorie. . .mukhang pera dw kc.”
“sayang maganda Sana ala namang utang na loob kung maganda lang Sana ugali cguro dami ring blessings.”
Ilan lamang ‘yan sa mga maaangahang na comments about Julia.
Pero mayroon namang nagtanggol sa dalaga at sinabing, “Insecure lang kayo kay Julia. ..bakit Alam nyo ba buong story. .?? Super nega kayo wala namen kayong alam sa buong pang yayari..Mga insecure.”
Inismiran mo nga ba ang iyon ama, Julia? Pakisagot nga!