Friday , December 27 2024

Hindi ako dummy — Tony Tiu

101514_FRONT

BINASAG ni businessman Antonio “Tony” Tiu ang kanyang katahimikan kaugnay ng alegasyon na siya ay dummy ni Vice President Jejomar Binay.

Sinabi ni Tiu nitong Lunes, patutunayan niya na mali ang akusasyon na siya ay dummy ni Binay kapag humarap siya sa isinasagawang imbestigasyon sa Senado kaugnay ng pinaniniwalang tagong-yaman ng vice president at ng kanyang pamilya.

“Hindi ako dummy. Lehitimo ang aking mga negosyo dito at sa ibayong bansa pangunahin na sa agrikultura. Pinaghirapan ko ang tinatamasang kasaganaan ngayon sa sariling sikap, masidhing pagtatrabaho at determinasyon na magtagumpay. Kung bibilangin natin ang mga magsasakang nabibigyan namin ng trabaho at oportunidad sa merkado, hindi ito kukulangin sa 100,000. (I am not a dummy. I am engaged in legitimate business here and abroad primarily on agriculture. I made my fortune through sheer hard work and my determination to succeed. If we really want to count the number of farmers we have been providing job and market, it will run into more that 100,000),” ani Tiu, executive chairman ng AgriNurture Inc. (ANI) sa kanyang pahayag na inilabas sa media.

Aniya, ang kanyang pangunahing kita ay mula sa pagluluwas ng saging, mangga at sabaw ng buko.

“Ako ay nakipagsosyo sa pinakamalaking agricultural firm ng China, ang Beidahuang noong 2010. Namuhunan sila para sa pagpapaunlad ng hybrid rice sa bansa para punan ang rice shortage.  Sa loob ng maraming taon, gumastos ang Beidahuang ng mahigit $10 milyon sa larangan ng pananaliksik at pagpapaunlad (I have joint venture with China’s biggest agricultural firm Bei-dahuang in 2010, They have invested in developing hybrid rice in the Philippines to augment rice shortage.  Over the years, Beidahuang has spent more than $10 million in the field of research and development),”   paliwanag ni Tiu.

Aniya, siya ang una sa post harvest facility, sa pagpoproseso at pagbebenta ng sabaw ng buko, at maging sa promosyon ng pagpoproseso at pagluluwas ng sampalok (tamarind).

Tinulungan din niyang ibenta ang mga ani at produktong mangga ng bansa sa panahon na walang gustong magluwas ng produkto sa pananalanta ng epidemyang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Gayon din ang magsasaka sa sagingan sa panahon na ang Iran ay nahaharap sa sanctions ng Estados Unidos.

Nakaladkad ang pangalan ni Tiu sa kontrobersiya na kinasasangkutan ni Binay nang pagbintangan siyang prente ng vice president sa napakalawak na sakahan sa Rosario, Batangas, na kinatatayuan ng Sunchamp agri-nature farm ng nabanggit na negosyante.

Sa pinakahuling Senate investigation, inamin ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado — dati rin alyado ni Binay — na nakinabang siya sa nagaganap na korupsiyon sa pamahalaang lungsod — saka inakusahan si Tiu na isang dummy upang pagtakpan ang mga ari-arian ng vice president sa Rosario.

Pero pinasinungalingan ng kampo ni Tiu, kabilang sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) awardee, ang mga alegasyon at binigyang-diin na ang mga tao na umaasa sa kanyang negosyo ay mayroong mga ‘mukha.’

“Kung si Vice Prsident Binay ay may nagawang kasalanan gaya ng sinasabi ng Senate Sub-Committee, hainan ng kaukulang kaso sa korte, pero pakiusap lang huwag ninyong paglaruan ang buhay namin para lamang sa political grandstanding, (If Vice President Binay committed the crimes as being claimed by the Senate Sub-Committee, then file the appropriate charges in court. But please, do not play with our lives for the sake of political grandstanding),” sama-samang pahayag ng ANI Employees Cooperative, ANI suppliers, ANI distributors, ANI contract growers at ANI logistics services providers.

“Sama-sama naming kinakatawan ang 5,000 katao na ang kabuhayan ay nakasalig sa AgriNurture, Inc. (ANI). Mula rank-and-file employees ng ANI hanggang sa suppliers at distributors ng mga prutas at gulay, seasonal farmers, contract growers at iba pang allied agricultural and non-agricultural service providers, kami ang makina na lumilikha ng enerhiya kaya ang ANI ay naging biggest distributor and exporter of agricultural products, (We collectively represent around 5,000 people whose livelihood solely depends on AgriNurture, Inc. (ANI). From the rank-and-file employees of ANI to its suppliers and distributors of fruits and vegetables, seasonal farmers, contract growers and other allied agricultural and non-agricultural service providers, we are the engine that has made ANI one of the country’s biggest distributor and exporter of agricultural products),” anang grupo.

Anila, “nanganganib ang kabuhayan at buhay namin at ng aming pamilya dahil sa reckless accusations na ginawa sa on-going inquiry ng Senate Sub-Committee on P.S. No. 826 ng Blue Ribbon Committee na ang ANI at mga subsidiaries, kabilang ang aming Chairman na si Antonio L. Tiu, ay dummies ni Vice President Jejomar C. Binay.”

“Kami, kumakatawan sa 5,000-strong dependents ay buong-buong sumusporta sa ANI at sa aming Chairman, Antonio L. Tiu. Ang ANI ay isang pamilya, at tahasan naming sinasabi na kami, bilang isang pamilya ay hindi dummies ninuman,” diin ng grupo.

Si Tiu ay may Masters degree sa Commerce at may espesyalisasyon sa International Finance mula sa University of New South Wales sa Sydney, Australia noong 1999, at BS Commerce major in Management sa De La Salle University, Maynila noong 1996.

Kandidato rin siya para sa Doctorate degree in Public Administration sa University of the Philippines. Kabhilang siya sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) of the Philippines noong 2011.

Pagkatapos magkolehiyo, si Tiu ay nagtrabaho sa isang maliit na kompanyang agrikultura.

Noong 1997, itinayo niya ang AgriNurture, Inc. (ANI), ang unang agricultural company sa talaan ng PSE.

Nagsimula ang kompanya sa pangangalakal ng post-harvest agricultural machineries, at paglaon ay sa iba’t ibang agro-commercial businesses kabilang ang pagluluwas ng prutas at gulay sa China, Japan at Korea, ganoon din sa Middle East, North America, Europe at Australia.

Kabilang sa mga brand ng ANI ang FCA (Fresh Choice Always) para sa wellness food products; La Natural sa sabaw ng buko at Nikka para sa mango nectar at tamarind juices, na iniluluwas sa ibang bansa; Sungrown rice; Superfresh at Big Chill para sa iba pang beverages at dessert kiosks; Canecoctions sa sugar cane juice; Cafeteria Verde, Fresh Bar by Big Chill, at C’Verde by Big Chill.

Ilan sa mga kilalang food brand ng ANI group ay bakeshops Sugarhouse and Cheesecake, etc.

Pumasok din sa master license agreement sa Tully’s Coffee International PTE LTD upang i-operate ang Seattle-based Tully’s coffee shop sa bansa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *