Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diana, no limits sa role na gagawin sa Daluyong

090514 Diana Zubiri

00 SHOWBIZ ms mSPEAKING of Diana Zubiri, mukhang palaban na muli ang aktres ngayon.

Sa movie launching and story conference ng pelikulang Daluyong ng GB Productions, na pinagbibidahan nina Diana at Allen Dizon, sinabi ng aktres na wala siyang limitasyon nang itanong rito kung gaano ka-daring o katapang ang role niya.

“Kung ano ang nasa script, handa po akong gawin iyon. Walang limitasyon. Kahit ano but be sure lang na ipalalabas iyon ng walang cut, hahaha,” paliwanag ni Diana na lalong sumeksi ngayon.

Kontrobersiyal ang pelikulang Daluyong dahil ang tema nito ay ukol sa buhay, pananampalataya, at kahinaan ng mga pari. Paring nagkaanak at may karelasyon, paring mahilig uminom ng alak, at NPA supporter ‘healing priest’ na pinagdududahan ang kapangyarihang gumamot, paring pinagbintangang pumatay, at bishop na may pinagdaraanan. Iba’t ibang kahinaan na pinagdaraanan ng ordinaryong tao pero sa huli ay ipakikita ang tagumpay ng kanilang pananampalataya.

Medyo nawala muli sa limelight si Diana matapos siyang mapanood sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ng ABS-CBN2 dahil nag-focus pala siya sa kanyang business na beamaz1ng leggings.

“On line business po siya na ang mga nabibili ay leggings and jacket. Tulad po ng gym wear, fitness apparel at iba pa po na ginagamit sa physical fitness. Kaya po ganito rin ang katawan ko kasi siyempre kailangan ako mismo ang mag-promote ng products namin. Madalas po kasi ako sa gym,” kuwento ni Diana na sa tingin namin ay isa nang matagumpay na business woman.

At sa pagbabalik-showbiz ni Diana, iginiit nitong for good na uli at mas magiging aktibo na siyang muli. “Bale regular na po ako sa ‘Home Sweetie Home’ season 2, tapos ito nga pong ‘Daluyong’. Tapos na rin po ang studies ko na next year eh magmamartsa na ako. Kaya po happy ako na finally ang mga dream ko eh natutupad na.”

Gagampanan ni Diana ang babaeng naanakan ng paring si Allen sa pelikulang Daluyong.At makakasama rin nila rito sina Eddie Garcia, Tirso Cruz III, Ricky Davao, at Chanda Romero.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …