Monday , November 18 2024

Allen, excited gumanap na paring may GF at anak

101514 allen diana

00 SHOWBIZ ms mKAPAPANALO pa lamang ni Allen Dizon ng kanyang kauna-unahang International Best Actor para sa pelikulang Magkakabaung/The Coffin Maker na idinirehe ni Jason Paul Laxamana sa 9th Harlem International Film Festival na ginanap sa New York.

Pinuri siya at tinawag na “festival discovery” sa rebyu ng French blogger/ film reviewer pagkatapos sabay na mapanood ang Kamkam at Magkakabaung sa 38th Montreal World Film Festival.

Pinuri ang sensitibong pagganap ni Allen sa dalawang pelikulang kapwa siya ang bida. Ang Magkakabaung ay nakatakdang ipalabas sa Austin Texas Film Series, Hong Kong Asian Film Festival, at main competition sa 3rd Hanoi International film festival.

Sa 3rd Hanoi Film Festival, may best leading actor kaya ang tanong ng marami, masundan kaya ang International Best Actor ni Allen?

“Mapasali lang ang pelikula namin sa main competition napakalaking karangalan na ‘yon para sa akin. Kung susuwertihin sobrang pasalamat ko na ‘yon. Hindi talaga ako umasa na manalo sa Harlem, matindi kasi ang mga nakalaban ko isa na roon ‘yung taga-Brazil, doon ako kinabahan.

“Powerful ang dasal talaga. Basta sa mga susunod kong pelikula lalo kong pagbubutihin,” ani Allen.

Sa kabilang banda, uumpisahan na ni Allen ang pelikulang Daluyong( Storm Surge) mula sa panulat ni Ricky Lee at sa direksiyon ni Mel Chionglo. Papel ng isang pari na dumaan sa matinding pagsubok, nagmahal at saka nakabuntis at nasangkot sa isang krimen. Isang napaka-complex role na tiyak na hahamon muli sa kakayahan ni Allen bilang aktor.

“Excited na ako sa ‘Daluyong’ kasi reunion movie ko ‘to with Direk Mel and Sir Ricky after ‘Twilight Dancers’ and ‘Lauriana’. First local acting award ko sa pelikulang ‘Twilight Dancers’ at nanalo ako ng Best Actor sa Pasado Awards last year para sa pelikulang ‘Lauriana’ kaya ‘pag Mel Chionglo-Ricky Lee tandem saludo ako,” pagmamalaki ni Allen. “Ngayon pa lang nagri-research na ako para sa karakter na gagampanan ko. May mga kaibigan akong mga Pari, nakaka-tennis ko sila at pinag-aaralan ko ang kanilang mga galaw at pagsasalita. Ang dami ko ring binabasa para mas maging pamilyar ako sa role,” dagdag na paliwanag pa ng actor.

First time niyang makakasama si Diana Zubiri (2013 YCC Best Performance) sa pelikula kaya natutuwa si Allen.

“Maganda at magaling si Diana umarte. Never pa kaming nagkasama sa pelikula kaya excited. Bilib din ako sa kanya at nakatapos siya ng college kahit naging busy at nagka-pamilya. Ako nag-graduate ako ng college mga two years na ako sa showbiz. Iba ang pakiramdam. Sana abangan nila ang ‘Daluyong’ tiyak akong makabuluhan,napapanahon, at importante siyang pelikula,” giit pa ni Allen.

ni Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *