ITINUTURING ng award winning actor na si Allen Dizon na pinaka-challenging sa lahat ng natoka sa kanyang role ang gagawin niya sa pelikulang Daluyong (Storm Surge) mula BG Productions ni Ms. Baby Go.
Desidido siyang mag-focus para paghandaan ang role niya rito. Magre-research daw siya at kakauspain ang mga kaibi-gang pari para magampanan nng makatotohanan ang papel niya rito.
“Para sa akin, isa ito sa magiging pinaka-challenging na role ko. Bago sa akin ang maging pari at hindi ko maisip talaga, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na maging isang pari, e.
“Siguro ay kailangan kong mag-research talaga. Kailangang malaman ko ang lifestyle talaga ng mga pari. Mabuti’t may mga barkada rin akong pari, kaya balak ko rin silang interview-hin bago magsimula ang shooting nito sa November,” pahayag sa amin ni Allen nang makapanayam namin sa story conference ng naturang pelikula.
Nakatakdang umpisahan ni Allen ang pelikulang ito mula sa panulat ni Ricky Lee at sa direksiyon ni Mel Chionglo. Papel ng isang pari na dumaan sa matinding pagsubok, nagmahal, at nakabuntis na nasangkot sa isang krimen ang gagampanan niya rito.
Isang sobrang komplikadong role na tiyak na hahamon muli sa kanyang kakayahan bilang aktor.
“Excited na ako sa Dalu-yong, kasi reunion movie ko ito with Direk Mel and Sir Ricky after Twilight Dancers and Lauriana. First acting award ko sa pelikulang Twilight Dancers at nanalo ako ng Best Actor sa Pasado Awards last year para sa pelikulang Lauriana. Kaya kapag Mel Chionglo-Ricky Lee tandem, saludo ako talaga,” pahayag ni Allen.
Kapapanalo lamang ni Allen sa kanyang kauna-una-hang International Best Actor award sa 9th Harlem International Film Festival na ginanap sa New York para sa pelikulang Magkakabaung/The Coffin Maker na idinirek ni Jason Paul Laxamana.
Dito’y pinuri si Allen at tinawag na festival discovery sa rebyu ng French blogger/ film reviewer pagkatapos na parehong mapanood ang Kamkam at Magkakabaung sa 38th Montreal World Film Festival dahil sa kanyang sensitibong pagkakaganap sa dalawang pelikulang kapwa siya ang bida.
Ang Magkakabaung ay nakatakdang ipalabas sa Austin, Texas Film Series, Hong Kong Asian Film Festival at kasali sa main competition sa 3rd Hanoi International film festival.
Ano ang masasabi niya sa kanyang leading lady dito na si Diana Zubiri?
“Maganda si Diana at siyempre ay magaling umarte si Diana. Never pa kaming nagkasama sa pelikula kaya excited akong makatrabaho siya.
“Magaling naman si Diana, maayos siyang magtrabaho. Noong nag-start si Diana parang sabay kami, kumbaga ay contemporary kami. Sa ti-ngin ko ay magiging maayos naman ang trabaho namin dito.
“Bilib din ako sa kanya at nakatapos siya ng college kahit naging busy at nagkapamil-ya. Ako nang nag-graduate ako ng college, mga two years na ako showbiz.
“Sana abangan nila ang Daluyong sigurado akong ma-kabuluhan, napapanahon at importante siyang pelikula,” wika pa ni Allen.
ni Nonie V. Nicasio