ni Ambet Nabus
SPEAKING of big movie, ito rin daw ang nakatakdang gawin ni Aga Muhlach this year kaya hindi na ito nag-renew pa ng kontrata sa TV5.
Kagaya ng ibang big stars na lumipat sa TV5, isa nga si Aga sa mga na-miss ng marami dahil na rin siguro sa “impact” ng mga project na ginawa niya roon. Although hindi naman masasabing ‘poor’ ang ratings ng mga show niyang ginawa sa naturang network, hindi nga maitatangging gaya ng ibang artists na lumipat ng bakuran ay sobrang na-miss ang magaling na aktor na tunay namang naapektuhan ang dating ‘angas’ ng popularidad.
“Aminin na kasi nating iba talaga ang hatak ng major network at bonggang shows. Akala nga ng iba ay nagbakasyon sa abroad si Aga dahil wala naman talaga siyang project na maipagmamalaki unlike before na tumatatak sa isipan at memorya ng mga tao,” ang mataray na komento ng mga netizen.