Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abangan love story nina Gabriel (Coco) at Andrea (Kim) sa “Ikaw Lamang” magwawakas na ngayong Oktubre sa Primetime Bida sa Kapamilya Network

081914 coco kim award

00 vongga chika peterIsang engrandeng “once in a lifetime TV event” ang ihahandog ng Hari at Prinsesa ng teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu sa huling dalawang linggo ng “Ikaw Lamang” tampok ang muling pagtatagpo ng mga una nilang karakter na sina Samuel at Isabelle (ginagampanan na ngayon nina Joel Torre at Amy Austria). Eere ang huling episode ng master teleserye ng ABS-CBN sa Oktubre 24 (Biyernes). Mula nang umere noong Marso ngayong taon, tinutukan ng TV viewers ang “Ikaw Lamang” mula sa kwento ng pagmamahalan nina Samuel at Isabelle noong dekada ‘70, hanggang sa pag-iibigan nina Gabriel (Coco) at Andrea (Kim) sa kasalukuyang panahon. Patunay pa sa tagumpay ng serye ang mahigit 150 episodes nito na gabi-gabing panalo sa national TV rating, ang best-selling soundtrack, at ang Twitter-trending performances ng powerhouse cast nito.

Sa huling dalawang linggo ng “Ikaw Lamang,” tiyak na mayayanig ang gabi ng TV viewers ngayong nakatakas na sina Isabelle at Andrea mula kay Franco (Christopher de Leon) sa tulong nina Samuel at Gabriel. Tuluyan na bang makalalaya sina Isabelle at Andrea mula kay Franco, o muli na naman ba nitong hahadlangan ang kanilang kaligayahan? Magagawa ba ni Natalia (KC Concepcion) na sumama kina Isabelle at Andrea kapag natuklasan niya ang katotohanan sa nakaraan ng amang si Franco? Sa huli, maisasakatuparan pa rin ba nina Gabriel at Andrea ang pag-ibig na minsan nang hinadlangan ng nakaraan? Sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco, tampok din sa “Ikaw Lamang” ang powerhouse cast na binubuo nina Jake Cuenca, Julia Montes, Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Cherie Gil, John Estrada, Daria Ramirez, Meryl Soriano, Spanky Manikan, at Lester Llansang.

Tampok naman sa malaking pagbabago ng “master teleserye” ang mga bagong karakter na ginagampanan nina Rio Locsin, Nonie Buencamino, Smokey Manaloto, Arlene Muhlach, Jojit Lorenzo, Alora Sasam, at Mylene Dizon. Ang master teleseryeng “Ikaw Lamang” ay isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina Kapatid Anak,” at “Juan dela Cruz.” Huwag palampasin ang mga kapanapanabik na eksena sa huling dalawang linggo ng master teleseryeng “Ikaw Lamang,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Hawak-Kamay” sa ABS-CBN Prime- time Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ikaw Lamang,” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …