Friday , November 22 2024

Transgender inilublob sa inodoro hanggang mamatay (Nabuking ng sundalong Kano na hindi tunay na babae)

083014 dead

HINIHINALANG sinadyang patayin ang isang transgender ng sinabing kaulayaw niyang isang US serviceman makaraan matagpuang nakalublob ang ulo ng biktima sa ino-doro ng motel sa Olongapo City kamakalawa ng gabi.

Iniimbestigahan ng Region 3 PNP ang pagkamatay ni Jeffrey Laude, alyas Jennifer, 26, ng 5th St., Drapper West, Tapinac, ng nasabing lungsod, bali ang leeg at nakalawit ang dila nang matagpuan.

Base sa inisyal na ulat, dakong 10:55 p.m. nang mag-check-in sa Celzone Lodge ang biktima kasama ang dayuhang naka-army cut at blonde ang buhok.

Pagsapit ng 11:30 p.m. ay mag-isa na lamang lumabas ng kwarto ang dayuhan at iniwang bukas ang pintuan.

Dakong 12:05 a.m. habang naglilinis ay natagpuan ang biktima ng hotel boy kaya agad na iniulat sa himpilan ng pulisya.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad nabatid na nakilala ni Jennifer sa Ambyanz disco bar ang suspek at nagkasundo silang mag-motel.

Inihatid ang dalawa ng isang transgender na kinilalang si Barbie sa motel at pagdating doon ay agad pinaalis ni Jennifer upang hindi sila mabuking ng sundalo na sila ay transgender.

Hinihinalang nabistong transgender ang biktima kaya pinatay ng dayuhan.

(RAUL SUSCANO)

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *