Tuesday , December 24 2024

TNT pinataob ng Batang Pier sa Albay

PINANGUNAHAN nina Stanley Pringle at Ronjay Buenafe ang matinding ratsada ng Globalport sa huling yugto tungo sa 88-78 panalo kontra Talk n Text noong isang gabi sa huling laro ng PBA Holcim Liga ng Bayan sa Legaspi City, Albay.

Naisalpak nina Pringle at Buenafe ang tig-isang tres upang burahin ng Batang Pier ang 64-60 na kalamangan ng Tropang Texters sa pagtatapos ng ikatlong quarter tungo sa panalo.

Nagtala si Pringle ng 24 puntos habang nagdagdag si Buenafe ng 17 puntos para sa tropa ni coach Pido Jarencio na sisikaping makabawi mula sa kanilang pagiging kulelat noong huling PBA season.

Sa panig ng TNT, hindi pa ito gaanong sanay sa sistema ng bagong head coach na si Jong Uichico na pumalit kay Norman Black na coach ngayon ng Meralco Bolts. (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *