Monday , December 23 2024

Pekeng pulis, 2 pa tiklo sa checkpoint

081314 CheckPoint

KALABOSO ang isang pekeng pulis at dalawang kasama sa isinagawang dragnet operation kahapon sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, Senior Supt. Joel D. Pagdilao ang suspek na si Rodel Tojoy, 24, tubong Masbate, security guard, ng Purok 3, Brgy. Turbina, Calamba City, nagpakilalang isang pulis.

Arestado rin ang dalawang kasama ni Tojoy na sina Venjamin Ibañez, 19, ng Brgy. Matandang Balara, Quezon City, at Kevin Ebasabal, 27, ng Greenland Subdivision, Vinuya, San Mateo, Rizal.

Ayon sa ulat, dinakip si Tojoy ng mga pulis sa isang checkpoint nang magpakilalang pulis habang suot ang itim na jacket at may bitbit na cal. 38 at posas. Habang inaresto rin ang dalawa niyang kasama na sina Ibañez at Ebasabal.

Nauna rito, naglatag ng checkpoint ang Quezon City Police District (QCPD) Station-10 dakong 12:35 a.m. sa Brgy. Don Manuel.

Nang dumating ang mga suspek, imbes na huminto ay ipinaharurot ang motorsiklong walang plaka kaya hinabol ng mga pulis hanggang sa maabutan sa Sct. Tobias kanto ng Dr. Lazcano St., Brgy. Laging Handa sa lungsod.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *