Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbabalik ni Aga sa showbiz, matatagalan pa; real estate business inaasikaso pa

101414 aga muhlach

00 fact sheet reggeeKATUWANG pala ni Aga Muhlach ang misis niyang si Charlene Gonzales-Muhlach sa pag-aasikaso ng property nila na gagawing negosyo.

Magka-text kami ni Mommy Elvie Gonzales, ina ni Charlene tungkol sa ibinigay nilang Labrador retriever sa amin at sabay kumusta sa anak niya na sabi namin ay sana maging visible na sa telebisyon.

Ang sagot sa amin, “maybe not so soon, busy developing their property and planning to take her masters in Harvard University, Cambridge Massachusetts, USA.”

Binanggit namin kung ito ‘yung nabiling property ni Aga sa Batangas pero hindi na nagbigay pa ng detalye ang ina ni Charlene.

May nagkuwento sa amin na kaya raw hindi aktibo ngayon si Aga ay dahil mas nag-eenjoy itong asikasuhin ang mga negosyo tulad sa ipinagagawa niyang subdibisyon sa nabanggit na probinsiya.

At marahil ay related sa business ang kukunin ni Charlene sa Harvard University para tulungan sa pagma-manage ang mister niya ng kanilang negosyo.

Kuwento pa sa amin ng nakatsikahan ni Aga, “mas malaki ang kita ni Aga sa real estate kasi nai-convert niya into resort cum subdivision ang nabili nilang lupa sa Batangas, pinatayuan na ng mga bahay at lahat halos ng kaibigan niyang artista ay bumili na, kaya isipin mo ‘yun. Mautak si Aga, ‘Gee, magaling sa negosyo.”

Sa madaling salita, matagal pa ang paghihintay ni Ms Lea Salonga kay Aga para sa pelikula nilang noon pa sana dapat naumpisahan.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …