Sa Mga Eskuwelahan at 13th KDJM Derby Tagumpay
LAKING TUWA ng mga residente ng magsara ang isang Off-Track-Betting Stations sa may P.Ocampo st., Malate, Manila. Malapit kasi ito sa mga eskuwelahan.
Bilang nagtaka ang mga residente sa may P. Ocampo street ng biglang mag-operate na muli ang nasarang isang ZONTEC BAR & GRILL na isa diumanong OTB na wala naming karatula ng nakalagay sa labas nito.
Bakit daw pinayagan na muling magbukas ito samantalang malapit ito sa mga eskuwelahan ng St. Lucy Integrated School, Art Building ng Dela Salle at St. Scholastic’s College.
Isa pa, hindi ba ipinagbabawal na magtayo ng isang OTB na malapit sa isa’t-isa.
Ang Zontec Bar & Grill OTB ay ilang dipa lang ang layo nito sa Blu Mugs Bar & Grill OTB.
May palakasan ba sa Games and Amusement Board (GAB) at sa Licensing office ng Manila City Hall upang bigyan ito ng permit to operate ang dalawang OTB ng ito.
NAGTATANONG LANG PO!
oOo
Naging Matagumpay ang idinaos ng 13th KLUB DON JUAN DE MANILA DERBY sa karerahan ng Metro Manila Turf sa Malvar-Tanuan City, Batangas.
Sa race 1 namayani dito ang outstanding favorite na si Malaya na pag-aari ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, Jr sa 2014 Philracom “Sampaguita s Stakes Race sponsored ng Philippine Racing Commission.
Sa race 2 nanalo dito ang couple entry ni Show Must Go On na sakay si jockey J.B.Guce na si Indulgence na nirendahan ni jockey C.M. Pilapil.
Sa race na ito nahulog si jockey J.B. Guce dahil upang palitan siya sa kanya mga sakay sa lahat ng race na may sakay siya.
Sa race3 2014 Philracom/KDJM Juvenile “Fillies” Stakes race nanalo dito ang kabayong Cats Thunder na sakay ni jockey J.A.Guce. Nahulog si jockey Val Dilema sa kanyang sakay na si Epic na outstanding favorite sa betting.
Sa race7 2014 Philracom/KDJM Juvenile “Colts” Stakes Race nagwagi dito ang kabayong Cat Express na nirendahan ni jockey C.V. Garganta.
Sa race10 Solaire Resort and Casino/Klub Don Juan Derby Stakes Race nagawagi dito ang kabayo ni Mr. Hermie Esguerra na si Mr. Bond na nirendahan ni jockey F.M. Raquel, Jr.
Matinding remate ang ginawa ni jockey F.M. Raquel sa kabayong upang ito ay magawagi sa kanyang mga kalaban.
Sa race11 2014 “Don Antonio O. Floirendo Sr.” Memorial Golden Girls Stakes Race. Ang Silver Sword na sakay ni jockey J.A. Guce ang nagwagi ng premyo dito.
Congratulations kina jockeys J.A. Guce at J.B. Hernandez na parehong may tatlong panalo sa 13th Klub Don Juan de Manila Derby noong linggo.
Buong pusong nagpapasalamat ang mga magigiting na opisyal ng Klub Don Juan de Manila sa SOLAIRE RESORT AND CASINO na walang sawang sumusuporta sa kanila racing festival.
At sa lahat ng tumulong at sumuporta na mga sponsors sa 13th Klub Don Juan de Manila ipinaaabot nila ang lubos na PASASALAMAT!
ni FREDDIE M.
MAÑALAC