Naging malayang-malaya na nakalayo ang kabayong si Malaya sa naganap na 2014 PHILRACOM “Sampaguita Stakes Race” sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Mainam din ang kanyang tinapos na tiyempong 1:49.0 (13’-23-23-23-26’) para sa distansiyang 1,800 meters dahil pagsungaw sa rektahan habang lumalayo ay nakapirmis lamang sa ibabaw ang hinete niyang si Unoh Basco Hernandez, kaya umasang may maipapakita pang buti si Malaya sa mga susunod na pagsali niya. Congrats sa owner niyang si Mandaluyong City Mayor Benhur C. Abalos Jr.
Nitong nagdaang Sabado ay may nasilip pa akong mga kalahok sa huling apat na takbuhan at maaari nating magamit bilang gabay. Conqueror at King Patrick – mainam ang nagawang diskarte at kaya pang makasungkit ng premyo sa sunod na laban. Role Model at Putting Eagle – tamang alalay lang kapag nagiging isa sa mga paborito sa kanilang nasasalihan, dahil tila nagiging kasado lang sa timbangan at nagiging puhunan ang pagparemate sa kanila.
Mga kabayong sina Dwindwindwin, Mi Esperanza, My Queen, Walk The Talk at Overwhelmed ay tila mga nag-ensayo lang sa aktuwal na karera ? Habang sina Andalucia, Bualan at Lifetime ay lagi lang isama sa listahan, lalo na kapag nasa SLLP.
Fred L. Magno