Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, tinapos pa rin ang taping ng Ikaw Lamang kahit mataas na ang lagnat

081414 kc concepcion

00 fact sheet reggeeMASKI na nilalagnat na si KC Concepcion ay hindi pa rin siya nagpa-pack up dahil pinilit nitong tapusin ang natitirang eksena sa seryeng Ikaw Lamang.

Oo nga naman, ayaw ng aktres na maging cause of delay siya lalo’t nalalapit na ang pagtatapos nito.

Nitong Sabado (Oktubre 11) ay nagpa-check up na siya sa ospital at hayun, positibo siya ng dengue kaya na-confine na kaagad.

Noong Linggo ng gabi ay nag-post na si KC sa kanyang Instagram account ng, “Hi guys, nag positive ako for Dengue kahapon (Sabado). Kaya pala ako nagkaka-high fever na on/off these past 2 days. I’m confined sa hospital Pero I know I’ll be ok!!!” Thank you for your prayers.”

Base rin sa post ng aktres sa IG ay dinalaw siya nina Amy Austria na nanay niya at Alora Sasam bilang yaya sa Ikaw Lamang.

Sabi sa post ng aktres, “Naaaayyy @amyaventura, thank you po sa pag dalaw, love you po  And sa mahal kong ‘Cindy’ @unitednationsofalora thank u din super!!!”

Si Paulo Avelino kaya ay nakadalaw na rin kay KC?

Anyway, kanya-kanyang hula ang avid viewers ng Ikaw Lamang sa kung ano ang mangyayari sa ending at ang ilan sa mga sinabi ay:

“Mamamatay si Amy Austria kasi hindi papayag si Christopher (de Leon) na magkatuluyan sila ni Joel Torre. Or si Joel ang mamamatay.”

“Parehong patay sina Samuel (Joel) at Franco (Christopher).

“Patay si KC (Natalia) kasi ililigtas niya nanay niya (Amy/Isabel) dahil babarilin ng tatay (Franco) niya at ni Mylene (Dizon).

“Magkakatuluyan sina Gabriel (Coco Martin) at Jacq (Kim Chiu).”

Dapat talagang maging happy ending ang Ikaw Lamang dahil kung hindi, magwawala ang supporters ng serye lalo na ang Gabriela at ibang women’s group na gustong-gusto si Coco Martin.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …