Wednesday , November 13 2024

Inosente hanggang ‘di napatunayang maysala

00 firing line robert roqueSA ILALIM ng ating batas ay itinuturing na inosente ang isang akusado hanggang hindi napatutunayang nagkasala siya sa kasong ibinibintang.

Pero mukhang nabalewala ito sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon subcommittee sa “overpriced” umanong konstruksyon ng Makati City Hall parking building.

Sa tuwing magkakaroon ng pagdinig ay may lumalantad na bagong testigo o nabubunyag na bagong isyu ng katiwalian na naganap sa Makati, at kinasangkutan ni Vice President Jejomar Binay o ng kanyang pamilya.

Noong Huwebes ay naging paksa ng pagdinig ang isang property na may sukat na 350 ektarya sa Rosario, Batangas na iginiit nina Senator Antonio Trillanes at dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na pag-aari raw ni Binay, pero hindi nakatala sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Batay sa official records, ang tunay na may-ari ng property na mansyon, swimming pool, hardin, rantso, fighting cock farm at ibang pasilidad ay Sunchamp Real Estate Development Corporation ng negosyanteng si Tony Tiu.

Umusbong ang hinala na pag-aari ito ng mga Binay dahil nirentahan nila ang siyam na ektarya ng lupain para sa kanilang babuyan mula 1994 hanggang 2010.

Pero ibinenta ng mga Binay ang naturang babuyan noong 2010 sa kompanyang Agrifortuna na pag-aari ni Laureano Gregorio, na nasa negosyong piggery rin sa lugar. Nakatala sa SALN ni Binay ang pagkakabenta ng negosyo niyang babuyan.

Binili ng Sunchamp sa Agrifortuna ang naturang property at naka-record ito sa Securities and Exchange Commission at Philippine Stock Exchange. Sa talaan ng SEC at PSE ay walang ipinuhunan sina Binay sa Agrifortuna at Sunchamp.

Ikinagalit ng may-ari ng Sunchamp na si Tony Tiu ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa kontrobersya at paratang na dummy siya ni Binay. Pagbalik niya sa Maynila ay haharapin daw niya ang walang prinsipyong mga politiko para lilinisin ang kanyang pangalan. Wala raw siyang koneksyon sa mga Binay maliban sa kanyang law firm.

Kung ang isyu ng Batangas property ang pagbabatayan, lumalabas na ang pagdinig sa Senado na sinasabing “in aid of legislation” ay pagwasak sa pagkatao ng akusado. Nakikitang agad nilang pinalalabas na may sala ang akusado batay lang sa pahayag at paratang ng ilang tao, kahit na walang kongkretong ebidensya na magpapatunay nito.

Ang Vice President at ang anak niyang si Mayor Junjun Binay ay may kasong plunder na kinakaharap sa Ombudsman kaugnay ng naturang parking building. Kung may gustong magreklamo ng katiwalian laban sa kanila ay idaan nila sa tamang proseso at kasuhan ang dalawa sa korte.

Hindi tayo kumakampi kanino man. Kung totoong nagkasala si Binay ay parusahan siya at hayaang pagdusahan ang kanyang pagkakasala. Pero korte ang magdedesisyon nito at hindi ang Senado, na ginagamit lang na instrumento ng ilang senador para durugin ang isang kalaban sa politika.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *