Saturday , November 23 2024

Homeowners prexy itinumba

081014 dead gun crime

PATAY ang isang 48-anyos lalaking presidente ng home owners association makaraan barilin ng hindi nakilalang salarin habang nagliligpit ng paninda kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Egmedio Salvan, 48, presidente ng Gulayan Homeowners Association at residente ng 22 Sitio Gulayan, Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na tumakas makaraan ang insidente.

Nagliligpit ng paninda ang biktima sa kanyang sari-sari store nang dumating ang suspek at siya ay pinagbabaril.

Ayon sa misis ng biktima na si Delia, posibleng dahil sa alitan sa lupang kinatitirikan ng kanilang bahay ang motibo sa pagpaslang.

Aniya, sinisikap ng biktima na ayusin ang mga titulo ng mga lote sa kanilang lugar ngunit may mga komokontra dahil mawawalan ng malaking koleksiyon mula sa mga nangungupahan sa lugar.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *