HINDI inaasahan ni dating Eat Bulaga host at PBB housemate Valerie Weigmann na siya ang mag-uuwi ng korona sa katatapos na Miss World 2014 pageant noong Linggo ng gabi.
Tinalo ng 24 taong gulang ang 25 iba pang kandidata sa Miss World pageant.
“Ako naman, win or lose, it’s still the experience that I gained,” ani Valerie.
Hindi pa man tinatawag ang winner sa Miss World, alam nang si Weigmann ang mag-uuwi ng korona dahil maraming special award ang nakuha niya at ilan sa mga major award na ito ay ang best in swimsuit, fashion runway, at long gown awards.
Itinanghal namang First Princess si Lorraine Kendrickson; 2nd Princess si Nelda Ibe; 3rd Pricess si Nicole Donesa; at 4th Princess si Rachel Peters
Nakakuha rin ng Miss photogenic si Ibe; Miss World Camsur si Weigmann; Miss photogenic (CamSur) at Best in swimsuit (Camsur) si Rachel Peters; Miss Sports si Lorraine Kendrickson; tie naman sa Miss Friendship sina Kristine Angeli Estoque at Christine Balaguer; Best in Talent si Jean Marie Feliciano; Miss Sun Cellular si Kimberly Anne Sarrea.