Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dream house ni Jason para sa kanila ni Vickie, ipatatayo pa

ni Pilar Mateo

101314 vickie jason

ANONG nangyari? Nang si Jason Abalos na ang magbanggit ng katagang “investment” sa ilang tanong sa kanya pertaining to his relationship with Vickie Rushton, react ang press na nasa presscon ng pagbibidahan nitong Two Wives with Erich Gonzales and Kaye Abad.

Usap-usapan kasi ‘yung pagre-regalo raw niya ng sasakyan sa girlfriend paglabas nito Sa Bahay ni Kuya.

“Bale ipinahiram ko lang po sa kanya ‘yun. Para may magamit siya sa trabaho niya. Para sa mga endorsement niya. Mas marami pa endorsement sa akin ‘yun, eh.”

Nilinaw din ni Jason na ang “investment” na tinutukoy niya eh, ang relasyon nga nila.

“Kaya anuman po ang mayroon ako ngayon, eventually, kung kami na nga ang magkakatuluyan sa altar eh, parang sa kanya na rin ang mga materyal na bagay na ipinupundar ko.”

Nagpapagawa nga raw ng bahay si Jason. Pero hindi pa raw ito ang dream house niya para sa kanila ng magiging misis niya.

“Bata pa rin siya at marami pa ring gustong gawin. May career pa ring aalagaan.”

Tinanong ko si Jason kung ang pagbibigay ba niya ng sinabi niyang ipinahiram lang na sasakyan at iba pang bagay kay Vickie eh paraan na rin para kumbaga’y i-secure niya ang dalaga dahil ‘di maiaalis na may ibang magkaroon ng interes dito?

“Wala namang ganoon. Hindi naman ako ganoong klase ng tao. I just want her to be happy and comfortable. Kailangan ‘yun para sa trabaho niya para hindi siya mahirapan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …