It’s not everyday that one gets invited to Pokwang’s fabulous Antipolo mansion.
Kaya naman go agad kami ni Peter L., upon the invitation of our angel Eric John Salut.
Anyway, the weather was inclement and was not conducive to a visit such as this but the press people seemed not to mind one bit.
Anyhow, after what seemed like eternity, Pokie’s white four storey mansion came into view.
Honestly, napakagaling humawak ng kanyang kinita si Pokie. May chapel ang bahay niya, may mini-grocery gawa ng out of the way ang kanilang village, it’s of vital importance that you stock some basic grocery items, ang sala ay napaka-homey at ramdam mo kaagad na pinag-isipan ang bawat nook nito at hindi bara-bara ang gawa.
Sa third floor ang master’s bedroom na katabi ng kwarto ng anak niyang panganay na ‘nawala’ noong time na taghirap pa ang komedyana.
Sa kanyang kwarto ay mayroong mahaba at matatag na pole kung saan nag-aaral siya ng pole dancing under the tutelage of Aira, a former Sexbomb dancer.
Kailangan din kasi niyang matuto nito para sa kanyang mga shows here and abroad.
Anyway, sa chikahan namin sa masinop (masinop daw talaga, o! Hahahahahahahaha!), naikwento niyang tapos na ang kanyang second TFC movie titled Edsa Woolworth pero light drama naman daw ito as compared to the first one na heavy dramang talaga.
Ngaragan daw ang kanilang location shoot at nahihiya naman siya kung hindi siya prepared pagdating sa set lalo na’t napaka-professional ng kanyang co-actors.
Kaya in 25 days, tapos na ang kanilang mo-vie na bale 28th Anniversary offering daw ng TFC Channel.
May series of shows nga pala sa abroad si Pokie. Sa October 17 sa Hawaii siya, then Las Vegas on the 19th, San Diego on 25th, Chicago on October 31, then New Jersey on November 2.
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
ni Pete Ampoloquio, Jr.