Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Guy, dasal ang kailangan para maibalik ang magandang boses

ni Alex Datu

080514 nora aunor

PUPUNTA si Nora Aunor sa New York para tatanggapin ang parangal sa kanya mula sa isang Pinoy community doon. Kasama sa plano ni Guy ang tumuloy sa Boston para magpa-opera ng lalamunan.

“Hindi na kailangan ni Nora ang magpa-opera, magdasal na lang siya at hingin ang kanyang God-given voice. Alam kong pakikinggan siya at ibabalik sa kanya ang boses niya,” ani Eva Vivar na kasabayan noon ni Nora at umaming nagkaroon siya ng karamdam sa lalamunan na naging sanhi ng pagkawala ng boses. Bumalik ang boses ni Eva nang bumalik siya sa Panginoon at muli siyang kumanta.

Aniya, nagkaroon ng mga kalyo at bukol sa lalamunan niya na kailangan talaga ang operasyon. Dulot ito ng sobrang gamit ng boses sa pagkanta mula sa pagkabata.

Si Eva ang may mahabang buhok na nagpasikat sa mga awiting Mr Love at Nobodys Child. Nawala siya sa sirkulasyon nang kumanta siya sa vessel cruise  na nakilala ang kanyang naging asawa na isang opisyales sa barko at nagkaroon sila ng isang anak. Sa ngayon ay balik-showbiz, siya ang gray-haired lola ni Coco Martin sa isang chicken commercial. Siya rin ang lola niJohn Lloyd Cruz sa isang medicine commercial.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …