Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zanjoe, kinakaliwa si Bea?

ni Roldan Castro

101314 bea zanjoe

INURIRAT si Bea Alonzo sa The Buzz tungkol sa lumabas na blind item na mayroon umanong dinalang ibang babae si Zanjoe Marudo sa kanyang hotel sa isang ibang bansa. Sinasabi nila na umano’y nangyari ito sa Banana Split in Japan.

Bagamat tinawanan lang ito ng magsyota, kinunan namin ng reaksiyon ni Zanjoe noong dumalaw kami sa taping ng Banana Split: Extra Scoop sa Music Museum.

“Nabasa ko ‘yung blind item naman. Blind item ‘yun, eh! Hindi naman kailangang magpaliwanag, ‘di ba?” bungad niya.

“Ako naman, iba ang hula ko?” natatawang sabi pa ni Z.

“Wala namang tinukoy kung sino so, bakit kailangan kong ipaliwanag,” sey pa niya.

Pero may mga nagtuturo na siya ‘yun?

“Siyempre, alam ko naman ‘yung totoo, ‘di ba? Alam ko kung ano talaga ‘yung nangyari noong nandoon kami. At saka, wala namang sinabing lugar, wala namang sinabi kung saan. Nagtaka nga ako ba’t pinag-usapan pa wala namang tinutukoy kung sino ‘yun,” sey pa niya.

Tinanong ba siya ni Bea tungkol diyan?

“Ay hindi naman. Kumbaga, puwede niya akong komprontahin pero hindi. Actually, nabanggit lang niya na, ‘Hoy, may blind item na parang ikaw ‘yung sinasagot ng mga tao’. Parang ganoon. Sabi ko, ‘binasa ko parang ang dami namang hindi tugma parang ganoon’,” sambit pa ng actor.

Bakit kaya kinokonek ito sa kanya?

“Siguro kasi, ako ‘yung artista na galing sa ibang bansa tapos si Bea ‘yung parang kami ‘yung alam na ganoon, eh…na nag-out of the country kaya siguro naisip ng tao na ako ‘yun,” pakli pa niya.

Faithful ba siya talaga kay Bea?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

“At saka, hindi naman naging isyu sa amin kahit kailan ‘yung mga third party. Wala kaming naging problemang ganoon,” dugtong pa niya.

Hindi naman daw sila naging seloso sa isa’t isa.

“Siguro dahil secured kami pareho. Alam namin na mahal namin ang isa’t isa, so, wala naman kaming isyu sa ganoong mga bagay-bagay,” lahad pa niya.

Hindi ba siya naiinis sa mga nagdududa na nangangaliwa siya kay Bea?

“Hindi naman ako naiinis kasi parang..kanya-kanyang trabaho, eh! Ginagawa ko ‘yung trabaho ko, kinakailangan din nilang gawin ‘yung trabaho nila..kaya lang ‘yun ‘yung way nila.. ‘yung trabaho nila na parang may naaapektuhan din siyempre kahit paano.”

Actually, tahimik lang kasi ang relasyon nina Zanjoe at Bea. Hindi na rin daw bago ‘yung mga isyung mayroon siyang ibang babae, ilang beses na rin daw siyang na-Fashion Police na mayroong mga picture na may kaakbay na babae pero blurred.

“Sabi ko nga, kung talagang isyu ‘yan, di ibu-blurred ‘yan, ‘di ba? Kailangan malinaw ‘yung mukha ..kasi nga, para alam na,” bulalas pa niya.

Talbog!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …