KAHIT marami ang naniniwala na ang pagsibak sa apat na district directors ng Philippine National Police (PNP) ay bahagi ng damage control na ginagawa ngayon dahil sa pinsalang inabot sa expose’ ng mga hindi idineklarang yaman ni PNP Chief DG Alan Purisima, gusto pa rin natin bigyan sila ng tinatawag na “benefit of the doubt.”
Pero hindi ba masyadong mabigat para sa kalagayan ngayon ng peace and order sa bansa lalo sa Metro Manila na sibakin ang apat na police district directors nang ganoon lamang?!
Sabi nga, masyado umanong malalim ang rason ng ginawang pagsibak ni Secretary Mar Roxas sa apat.
Kung sumibak ng apat na district director ang DILG secretary hindi ba ito nangangahulugan na dapat na rin niyang sibakin ang kanyang PNP chief!?
Just asking lang po…
Pero ito pa po ang isang katanungan, paano naman kaya haharapin ni C/Supt. Henry S. Rañola, ang bagong District Director ng PNP Southern Police District (SPD) ang namamayagpag na untouchable JUETENG operations ni alias Joy Rodriguez sa South Metro lalo na sa Parañaque City ni Mayor Edwin Olivarez?!
Magpapabukol ‘este lilinisin ba niyang tuluyan ang South Metro laban sa mga ilegal na sugal gaya ng jueteng ni Joy?!
FYI, Gen. Rañola, mahilig nga palang mag-courtesy call si jueteng operator Joy Rodriguez sa mga bagong district director.
Gaya rin siya ng ilang nakilala natin kamakailan na mahilig mag-courtesy call kung kani-kanino …parang tipong ‘OPLAN PAKILALA.’
Itatanong ko lang ulit kung nabisita ka na ba ng grupo o pagador nila?
Nagkasundo na ba kayo? May tumimbre na ho bang bagman sa inyo?
Pakibalitaan na lang ho ako!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com