KALIWA’T KANAN ang projects na pinagkaka-abalahan ng talented na actor na si Richard Quan. Kabilang dito ang Of Sinners and Saints, Sigaw sa Hatinggabi, Bonifacio ni Robin Padilla, Tres, Maratabat at iba pa.
Itinuturing ni Richard na blessings ang mga proyektong ito. “Those are good projects na mahirap tangihan, its a blessings.”
Pero inamin din niyang mas namimili na siya ng mga proyektong tatangapin. “Medyo mas namimili lang ako ngayon ng projects, pero as long as good projects are coming, I’ll keep on joining them.”
Kasama ang Sigaw sa Hatinggabi sa Sineng Pambansa Horror plus Film Festival na mapapanod sa October 29-November 4. Kabituin dito ni Richard sina Regine Angeles, Lance Raymundo at iba pa.
Nagbigay si Richard ng kaunting background ng pelikula. “Ang Sigaw… is a horror movie with a twist, Ang role ko rito ay boyfriend ng lead character.”
Pari naman ang role ni Richard sa Of Sinners and Saints na pinagbibidahan ng director/producer nitong si Ruben Maria Soriquez na isang Italian-Filipino. Filipinong pari na may anak ang karakter ni Richard dito. Ang iba pang kabituin nila rito ay sina Raymond Bagatsing, Chanel Latorre, Polo Ravales, at iba pa.
Itinuturing ni Richard na ibang klaseng experience din ito para skanya. “It’s a learning experience. It’s a humbling experience. Mas perfectionist sila, e.
“Alam mo ‘yong kapag your’re working with a foreign actor or director tapos nagkukuwento sila ng kanilang experience outside of what we have right now, outside of local industry, parang nagiging humbling experience.”
ni Nonie V. Nicasio