Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pure Love, pinadapa ang Seasons Of Love at MY BFF

 

081714 joseph alex yen arjo pure love

00 fact sheet reggeePINAKA-LOVE pa rin ng TV viewers sa time slot nito ang “newest primetime sensation” ng ABS-CBN na Pure Love kompara sa mga katapat nitong programa, base sa datos mula sa Kantar Media.

Humataw ng national TV rating na 22.8% ang hit teleserye nina Alex Gonzaga, Yen Santos, Joseph Marco, at Arjo Atayde o 10 puntos na kalamangan kompara sa bago nitong katapat na programa sa GMA na Seasons of Love Presents (12.6%) na umere na noong Lunes (Oktubre 6).

Panalo rin ang Pure Love noong Biyernes (Oktubre 3) kung kailan pumalo ito ng national TV rating na 22.6% o siyam na puntos na lamang kontra sa finale episode ng MY BFF na nakakuha lamang ng 13.3%.

Samantala, tiyak na mas iibigin pa ng mga manonood ang mga susunod na tagpo sa Pure Love lalo na ngayong nakakausap na ni Diane (Alex) ang sinasaniban niyang katawan na si Ysabel (Yen).

Sa tulong ni Ysabel, mas mapadadali na ba ang misyon ni Diane na makakuha ng tatlong patak ng luha mula sa tatlong taong tunay na nagmamahal sa kanya? Kanino manggagaling ang ikalawang “pure love tear” ni Diane?

Halaw sa hit 2011 Korean TV series, ang local adaptation ng Pure Love ay sumesentro gabi-gabi sa kahalagahan ng tunay na pagmamahal at ang katatagan ng relasyon ng pamilyang Filipino.

Patuloy na tutukan ang primetime TV’s newest sensation, Pure Love, gabi-gabi, 5:50 p.m., bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @PureLovePH sa Twitter, at i-like ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/purelovetheofficial.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …