ni Alex Brosas
NAPANSIN namin na ang karamihan sa reality shows natin ay anti-poor.
Salang-sala ang mga pinapapasok sa Bahay ni Kuya lalo na itong latest edition na pawang magaganda at mayayaman ang naging housemates. Itong I Do naman ay ganoon din ang contestants, mga English-speaking couples.
Ang feeling namin ay takot na takot ang Dos na kapag nakapasok ang maralitang contestant sa Bahay ni Kuya o sa house na ginagamit sa I do ay magkalat sila. Baka mayroong magmura o kaya ay makipag-away o makipagsuntukan. To parry off their fears, hindi na lang sila kumukuha ng contestant na hampaslupa. Maige na nga naman ang nag-iingat, ‘di ba?
Rito naiba ang show nina Regine Velasquez and Alden Richards. Sobrang makamasa ang show. Naloloka kami sa mga contestant dahil wala silang takot.
Mayroong contestants na chaka na pero ang feeling niya’y ang ganda-ganda niya. Marami ang sintunado, walang K kumanta pero banat pa rin ng banat, birit pa ng birit.
Hindi takot ang Siete na ipakita sa madlang pipol ang mga contestant nilang galing sa masa, wala silang pakialam kung katawa-tawa sila. That’s the reality about contestants coming from the poor sector of society—walang pakialam, walang keber, baste enjoy lang.
Sabi nga ni Kuya Germs, that’s entertainment!