SA NGAYON, no to politics raw si Judy Ann Santos. Kahit pa may politiko sa angkan ni Juday sa side ng kanyang father ay wala raw talaga sa career plan ng actress TV host na pasukin ang field na ito. Very stressful raw ang maging isang public servant so baka hindi raw niya kayanin ang sakit ng ulo at stress na idudulot nito kung sakali.
Ipinauubaya na lang ni Juday sa mga co-actor ang politics dahil bukod sa hindi niya ito linya ay mas priority niya ang kanyang showbiz career at pamilya. Pero sa kabila ng pagtanggi, ayaw pa rin namang magsalita nang tapos ni Juday dahil baka kainin daw niya ang kanyang sinabi.
Basta sa ngayon kung siya ang tatanungin ay wala siyang plano na tumakbo sa 2016 election. Kahit ang mister ng actress na si Ryan Agoncillo ay hindi rin nagpapakita ng interes na pasukin ang mundong ito.
Napakagulo at napakarumi at may patayan sa politika kaya kung makaiiwas na pumasok rito ay iwasan na at makontento na lang sa trabaho kung anong meron ka.
Tama gyud!
Mag-amang Tonton at Maricar patay sa pagsabog Bea at Paulo ikinasal sa ending ng “SBPAK”
Makapigil-hininga talaga ang finale night nitong Biyernes ng gabi sa teleseryeng inabangan ng milyon-milyong televiewers na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.
Nagbunyi ang lahat ng manononood dahil hindi nagtagumpay si Muerte o Carlos na mapatay ang mag-asawang Rose Buenavista (Bea Alonzo) at Patrick Salvador na tinaniman niya ng bomba sa loob ng kanyang hideout. Dahil bago pa sumabog ang bomba sa tulong ni Sasha (Maricar Reyes) ay nakatakas sa kanilang pagkakatali sina Rose at Patrick kaya buhay ang dalawa. Pero nang makita ni Sasha ang pagsabog ng hideout ng kanyang tatay Muerte ay nag-hysterical siya dahil ang buong akala niya ay nasa loob pa ng bahay sina Patrick at Rose. Pero nang makitang buhay ang dalawa ay masaya siya sabay sabing dapat na silang mawala ng kanyang tatay para wala na silang taong masaktan pa. Hindi na nagawang iligtas pa ni Muerte ang sarili at ang anak na si Sasha at ang P100 milyong piso na nakuha mula kay Rose. Dahil huli na nang makita niya na nasa likuran pala ng kanyang kotse ang bombang inilagay niya sa sasakyan ni Rose na inilipat ni Patrick sa kotse ni Muerte.
Sa kuwento, ay ipinakita ang pagbabago ni Sasha at gusto niyang makabawi sa lahat ng mga kasalanang nagawa kina Patrick lalong-lalo na kay Rose na kanyang Kapamilya. Nagsakripisyo siyang itaya ang buhay alang-alang sa katahimikan ng lahat. Samantala kinabahan ang televiewers lalo na nang magdesisyon si Rose na maghiwalay muna sila ni Patrick. Nangibang bansa si Patrick kasama ang kanyang anak na si Martina at Lola Patchi (Anita Linda).
Samantala si Rose ay masayang malungkot sa kapiling ang kapatid na si Violet (Mitchelle Vito) at Yayang si Divine (Malou Crisologo). Pero dumating ang itinakdang araw at aksidenteng nagkita ang mag-asawa sa isang resto nang balikan ni Rose ang naiwang singsing na umiilaw na mahalagang alaala niya kay Patrick.
Happy ending ang nangyari at muling nagpakasal ang dalawa at ngayon ay church wedding na, na dinaluhan ng halos lahat ng mga nagmamahal sa mag-asawa lalong-lalo na ang mga nakasama ni Rose sa kanyang laban at paghahanap ng hustisya na sina Ruth Gaspar (Susan Roces) at mag-amang Leo Romero (Albert Martinez) at Kit na itinuring niyang anak.
Pagdating sa kabuuan ng production ay tama ang sinabi ng head ng Dreamscape Entertainment na si Sir Deo Endrinal na for him, the best production ang SBPAK. At tinupad rin ng mga creative head na sina Rondel P. Lindayag at Reggie Amigo ang promise nilang mala-pelikulang ending ng nasabing serye at ‘yun nga ang napanood ng lahat.
Sa direksyon ay thumbs up rin kami kina Trina Dayrit at Jerome Pobocan. Siguradong nakakuha ng mataas na rating, ang pagwawakas ng seryeng ito lalo na’t agad na nag-number one worldwide sa mga trending topic sa Twitter.
Marami talaga ang tumutok kina Rose at Patrick na ang official hashtag ng finale episode ay “#SBPAKISelf.”
MANALO NG HANGGANG P1 MILLION SA LABAN O BAWI NG EAT BULAGA
Isa sa naging patok na segment noon sa Eat Bulaga ang Laban o Bawi.
Dahil sa kasikatan nito ay ginawan pa ito ng kanta ni Master Henyo Joey de Leon na ini-record ng Sexbomb Dancers at sa ganda ng nasabing Tagalog song ay pumatok ito.
Ngayon sa pagbabalik ng Bulaga sa kanilang Laban o Bawi, masayang-masaya ang lahat ng Dabarkads dahil isa na naman itong pag-asa sa kanilang buhay.
Totoo ka! Lahat ng studio audience at mga kababayan nating kapos sa buhay ay nangangarap na manalo! Tulad ng sugod-Bahay sa Barangay, Barangay Superstar, Bayanihan of ‘Da Pipol, Shake A Minute, Bulaga Book of Pinoy Records at Pinoy Henyo ay magiging malaking tulong sa pang-araw araw nilang buhay sakaling sila ang palaring manalo sa Laban o Bawi at puwede pa silang maging instant milyonaryo rito kapag nakuha nila ang jackpot prize na P1 million.
May kapalit na pala ang Sexbomb sa Laban O Bawi sila ang anim na FHHM girls na napasama sa Grand Finals na binansagan ng Bulaga na “SixBomb.”
ni Peter Ledesma