NAPANOOD namin ang episode ng My App Boyfie episode ng Wansapanataym noong nakaraang Sabado dahil talagang nasa bahay lang kami at hindi namin pinangarap mabaha at matrapik.
Bagamat hindi pa kami kumbinsido sa tambalang James Reid at Nadine Ilustre dahil para sa amin ay ginagaya lang nila nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo lalo na sa pelikula nilang Ang Diary ng Panget na astig-astigan ang papel ng produkto ng 2010 Pinoy Big Brother Teen Clash winner.
In fairness ay malakas ang dating ng JaDine dahil may kilig naman sila sa isa’t isa kaya siguro marami na talaga silang supporters.
At base sa napanood naming episode ng My App Boyfie ay naaliw naman kami na dahil may ibang karisma naman si James kay Daniel kaya maraming girls na nababaliw din sa kanya.
Lalo na nang maglaro siya ng basketball na talagang pinahanga niya ang lahat gayong wala naman dapat siyang pakiramdam dahil robot lang naman siya at may selos factor siya kay Dominique Roque.
Hindi sila magsyota at hindi rin nagliligawan kaya nakatutuwa na may kilig sina James at Nadine na ipinararamdaman nila sa viewers na may ‘something’ sila.
Sa madaling salita, magaling silang umarte bilang magsyota.
Anyway, napanood ang episode noong Sabado at Linggo kung paano sinubok ang lalim ng samahan ng mga karakter ng Jadine dahil nakaramdam ng selos si Jowa dahil napapalapit na si Anika sa ultimate crush nito sa eskuwelahan na si Melvin (Dominique).
Kasama rin sa My App Boyfie sina Cherie Gil, Malou Crisologo, Ingrid dela Paz, Jazz McDonald, Marco Pingol, at Elise Joson mula sa panulat ni Noreen Capili at direksiyon ni Jojo Saguin.
Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay mula sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, at Juan dela Cruz.
ni Reggee Bonoan