Ako ay naniniwala na ang lahat ng ating mga ginagawa ay bunga lamang ng kaisipang naghubog sa atin bilang isang indibidwal, isang mamamayan, o di kaya’y bilang isang social animal.
This explains why meron sa atin na ang lahat na halos ng kanilang pang araw araw na gawain ay umiikot sa pagkikitaan dahil nabuo ang kanilang kaisipan sa pangangailangan ng kabuhayan sa buhay. Maihahalintulad natin ito sa mga tao na halos lahat ng buhay nila ay nakasentro sa sabong, kotse, pag aarte’t kultura, palakasan o sports, pulitika at maging sa krimen.
Opo, kung ano ang bumuo sa iyong kaisipan, yun ang ginagawa mo sa kasalukuyan. Minsan, ito ay naging isang piitan, o self-imposed prison na kung saan ang buong buhay natin ay nalalagas.
***
At dahil nitong nakaraang linggo lang pala ang selebrasyon Teachers’ Day, nais kong bigyan ng pansin sa pitak na ito ang kahalagahan ng patriotism bilang isang idyolohiya na kailangang itanim sa puso’t kaisipan nating lahat lalo na sa mga kabataan.
Kasi po, katulad ng lahat na bagay sa mundo, ito ay learned aspect at hindi ito natural sa isang tao katulad ng paghinga o kumain. Kumbaga sa pagkain ito ay acquired taste katulad ng durian. Mas lalo natin naa-appreciate kung tayo ay hinubog para ito ay mabuhay sa ating isip at kaalaman.
***
Ngunit may mga bagay na siyang nagbunsod para mamuhay ito sa puso ng tao.
Ayon sa kasaysayan, ang daan daang taon na panunupil at kabulukan sa lipunan ang siyang nagbunsod sa ating mga ninuno para isulong ang kaalamang ito. Sa kalagayan natin ngayon, kailangan pa ba tayo sumailalim muli sa ganoong kalagayan para mahalin natin ang ating bayan?
Sa tingin ko po hindi na kailangan. Gamitin na lang natin ang taglay na lakas ng edukasyon para ito mapayabong natin nang sa gayun tayo ay magkakaroon ng mas matatag na bansa dahil ang lahat sa atin ay nagmamahal sa bayan.
***
Hindi ko na kailangan pang ilista ang mga kabutihang dulot ng kaisipang hinubog sa pagmamahal sa bayan.
At mas lalong hindi ko na kailangan pang sabihin na huwag na tayong maghintay ng kadiliman para tayo ay magprepara ng ating mga sarili’t kababayan. Ngunit ang sasabihin ko sa inyong lahat na ngayon ang mas mabuting pagkakataon na mapayabong itong kaisipang patriotism. Hindi kahapon, hindi bukas, hindi next month.
Ngayon na.
Nais ko nga palang i-congratulate ang mga brods and sis kong mga doctors sa Alpha Phi Omega sa sunod-sunod na medical mission nilang ginagawa para marating ang mga malalayong lugar. Noong Oct 4 to 6 ay nagsagawa sila ng medical mission diyan sa Malilipot, Sto Domingo and Tabaco, Albay. Kasama po nila ang opisina ng ating Vice President sa tulong po ni Dr Brod Mike Hernandez. Ngayong araw naman ay busy ang mga doctor na member ng APO dito sa Batangas para sa kanilang medical mission na ang mga gamot ay mga padala pa galing sa ibang bansa. Mabuhay kayo! Ipagpatuloy ang Leadership, Friendship and Service ng APO! Ito ang tatak ng Idyolohiyang Patriotismo para sa mga Pilipinol!
Gerry Zamudio