BAKIT hindi gayahin ng kilalang aktres si Gabby Eigenmann na hindi namimili ng project o papel.
Ayon sa bida ng isang serye sa GMA na nagtapos na noong Biyernes, hindi siya choosy sa role niya maski na nagbida na siya sa serye.
Hindi raw choosy si Gabby sa role, “hindi, eh. ‘yun ang nagko-contradict sa akin, okay lang na support. What’s degrading about being a support?
“I’ve been known to be a support? It’s a job, paano kung may project si Dingdong (Dantes) at support ako, hindi ako papayag?”
Dagdag pa, “’pag bida na, bida na all the way? Hindi naman ganoon. Actually, nami-miss ko nga magkontrabida, pero sabi ko nga, every door that open to me is an opportunity to do lead, very grateful ako kasi nakikita nila ‘yung versatility ko, sabi ko, paano once step forward, two steps backward hindi ko pa nagagawa ‘yun? O nagawa ko na rin ‘yun.
“Sabi nila, bida ako sa ‘Broken Vow’, okay lang, pero at the end of the day, naging kontrabida ako, tapos bigla akong ipinasok sa ‘Sana Ikaw Na Nga’ na kontrabida, sabi ko nga, it’s the job, I don’t think myself less an actor kung bida or support.
“Masarap na binigyan ka ng lead (role) at pagkatapos bibigyan ka ng lead ulit, masarap din, komporme sa project kung kailangan. Hindi naman all the time lead ka,”katwiran ng aktor.
Sundot pa, “mixed ako, I will always say na kapag nagmarka ang isang karakter sa telebisyon, gusto uli nilang gumawa ng project na overtake o overpower sa huli mong nagawa, pero it’s an advantage kasi nakita nilang, ‘uy okay ang performance niya rito, bigyan natin siya ng isa pa,’
“Parati nga sinasabi, eh na you’re always good on your last show, so for me, it’s another audition for another project.”
“Hindi ako nag-e-expect (masyado), trabaho lang ako, kung mapansin ako sa mga nagawa ko, thank you, kung hindi, okay lang, I have to move on. Trabaho lang ako, that’s how passionate I am, hindi ako nagta-trabaho para targetin na manalo ng award, hindi.
“Kung sa tingin nila na karapat-dapat ako, eh, ‘di mas mainam, kung hindi, okay lang. The frustration naman will come along the way because at the end of the day, ipinakita ko na I give my best and ‘yung hindi ka binigyan ng award dahil sa pinaghirapan mo, the frustration is natural, pero dahil hindi naman ‘yun ang aim mo na to win an award, I just did my best, ‘yun lang.”
ni Reggee Bonoan