Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, tiniyak na ‘di niya pababayaan si Angelica

ni Pilar Mateo


101214 angelica derek

IN the running!

Bigger and bolder at more amazing than ever na nga ang takbong ginagawa ng mga participant sa The Amazing Race Philippines sa pagsisimula nito noong Lunes (October 6, 2014) sa TV5, na ang host uli eh, ang sexy hunk na si Derek Ramsay.

At sa bawat pit stop siya nakikita ng nag-uunahang 11 pairs na may bonus ang mauuna ng P200K.

Nagkaroon ng masasabing once-in-a-lifetime adventure ang 11 pares na mapasama sa pinaka-matagumpay at most awarded reality show sa buong mundo. Sa tulong ng Active TV Asia, sa pangunguna ng Executive Director na si Michael McKay, mas pinalaki at pinatindi ang Season 2.

Subaybayan ang official racers na kinabibilangan ng sexy besties na sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer; blondies sisters na sina Tina at Avy Wells; chefs Eji Estillore at Roch Hernandez; dating couple Matt Edwards and Phoebe Walker; Team Juan D na sina Charlie Sutcliffe at Daniel Marsh; father and son na sina AJ at Jody Saliba; nerds Vince Yu at Ed Maguan; travel buddies Zarah Evangelista at Osang dela Rosa; Mr. Pogis JP Duray and Kevin Engles; siblings Jet and Yna Cruz; at Pinay world champs Gretchen Albaniel at Luz McClinton.

Umariba na sa unahan nila ang mga racer. Kung sino ang naiiwan, siya ang may tsansa sa humigit-kumulang na P10-M halaga ng mga pa-premyong makakamtam—2 house and lot mula sa RCD Royale Homes, 2 KIA Sportage SUVs at P2-M hatid ng PLDT Home Telpad!

Samahan si Derek sa journey ng racers in their run. Habang nakikipag-buno sa isang banda ng kanyang personal na buhay si Derek sa hindi pa rin natatapos na pakikipaggirian ng kanyang dating karelasyon at ina ng kanilang anak na masidhi ang hangarin na maparusahan si Derek sa mga isinasampa nitong kaso laban sa aktor sa ngayon.

Nadamay na at nakaladkad ang dating karelasyon din ni Derek na si Angelica Panganiban na hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag sa nasabing sitwasyon.

Pero may nakapaghatid sa amin ng balitang sa tagal ng hindi pag-uusap nina Derek at Angelica at patuloy na ngang pag-iiwasan, umano, sinikap ni Derek ang makipag-communicate sa aktres.

At ang dating hindi sinasagot na mga tawag o text eh, nagkapuwang para sila magkausap dahil sa nasabing kaso.

Ayon sa nakarating sa amin, gusto lang ni Derek na ma-assure si Angelica na sa puntong ito, kahit pa nagsara na ang pintuan para sa kanilang dating relasyon, hindi niya pababayaan ang aktres at susuportahan pa rin sa kumbaga’y kailangan nitong maging laban sa hamon ng buhay sa kanila.

Maayos at tahimik ang buhay ni Angelica with her current love life. Ganoon din naman si Derek na ang career nga muna ang gustong bigyang-pansin.

Pero ang biro nga ng tadhana—rito pa sila sabay na haharap sa panibagong hamon ng buhay sa kanila. Sa pagkakataong magkahiwalay na sila at wala ng pakialaman, at saka sila muling pagbubuklurin!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …